13/04/2026
Sa tabi lang ng simbahan, sa simpleng pwesto at maliit na lamesa, dito nagsisimula ang pangarap namin 🙏💛
Hindi man kami engrande, wala mang malaking tindahan, pero bawat pack ng Chipsta na nakikita niyo dito ay pinaghandaan, pinagpaguran, at ginawa nang may pagmamahal 🍟✨
Araw-araw, umaasa kami na may mapapadaan, may susubok, at sana… may babalik.
Sa bawat bumibili, hindi lang basta benta yun para sa amin—isa na iyong malaking tulong at inspirasyon para magpatuloy 💯
Kaya kung napadaan ka sa simbahan, sana mapadaan ka rin sa amin 😉
Tikim ka ng Chipsta—baka ito na yung simpleng sarap na hahanapin mo araw-araw 🍟
Maraming salamat sa lahat ng sumusuporta 🫶