11/04/2026
PRICE INCREASE
Magandang araw, mga Ka-Tatang’s.
Nais po naming ipaalam sa inyong lahat na magkakaroon po ng price increase sa aming mga produkto simula Monday, April 13, 2026.
Pinilit po naming panatilihing abot-kaya at stable ang aming mga presyo hangga’t maaari. Gayunpaman, dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga sangkap at iba pang supplies, kinakailangan na rin po naming magpatupad ng kaunting price adjustment.
Inaabisuhan din po namin ang lahat na dahil sa patuloy na pagtaas ng presyo ng mga bilihin at raw materials, maaari pa rin pong magkaroon ng mga susunod na adjustments sa presyo. Sa kabila nito, sisikapin pa rin po naming panatilihin ang abot-kayang presyo habang inaalagaan ang kalidad ng aming mga produkto.
Makakaasa po kayo na ang maliit na pagbabagong ito sa presyo ay hindi makaaapekto sa kalidad at satisfaction na patuloy naming ibinibigay sa inyo.
Maraming salamat po sa inyong pag-unawa, patuloy na suporta, at pagtitiwala sa Tatang’s Meat Products.