30/03/2024
πππ: πππππ ππ..
Hapon na at sa paglipas ng oras, kasabay ng paglalaro mo kasama ang iyong kaibigan, ay biglang kumalam ang tiyan at nakaramdam ng gutom. Gutom na maiibsan lamang ng masasarap na taho, filipino pancakes, at tokwa, na mga produktong handog ng tahanang Tao po, Taho po. Sa inyong pagmamadali na punan ang gutom, walang patid ang inyong mga tingin sa mga produktong ito, na para bang isang pamilyar na tagpo noong kayo'y mga bata pa lamang na nagmemeryenda ng parehong mga pagkain. Kaya naman, hindi lamang sila simpleng pagkain, kundi nagdadala rin sila ng saya sa inyong mga puso. Sa bawat kagat, tila'y lumalakas ang samyo ng kasiyahan, at sa bawat subo, nagiging lalong malamlam ang ningning ng inyong mga mata. Sa sandaling ito, nararanasan ninyo ang sarap at saya na hatid ng Tao po, Taho po. Ito'y hindi lamang pagkain; ito'y naghahandog ng mga alaala ng inyong kabataan na nagbibigay-buhay sa inyong puso't kaluluwa.