05/01/2026
For so many years, hindi ako aware na may coffee pala na nakatanim sa lupa ng parents ko.
Dati, naging farm siya ng mga livestock, pero hindi rin nag-work. Kaya after that, nagtanim kami ng coconut at iba pang bearing trees. Dumating kami sa point na ibenta na lang, kaysa masayang at hindi mapakinabangan.
From the start, nagvi-video lang talaga ako para ipakita sa gustong bumili kung ano mismo yung lugar. Habang nagkukwentuhan lang casually kung ano yung possible na pwedeng maging business, pa-joke ko lang ini-imagine na maganda sana siyang gawing coffee farm lalo na’t taga-Cavite ang mama ko at may mga kakilala kaming may sariling coffee farm.
Funny thing is, nakalimutan na ni Mama yung sinabi ng dating may ari na may nakatanim daw na coffee. Nawala na talaga sa isip nya yun until habang nililibot namin yung lugar, biglang nakita ni Mama yung mga puno ng kape na sinasabi noon.
After so many years, ngayon lang namin nakita.
Isn’t it amazing? Yung lahat ng imagination at kwento, biglang naging totoo sa harap namin.
That moment changed everything.
Instead na ibenta, nag-decide kami na huwag na lang at gawing business ito in the future hindi lang para sa amin, kundi para rin sa mga susunod na generation ng family namin.
From simpleng benta, ginawa na naming pangarap at negosyo.
Small beginnings, big goals ☕📈🌱