04/12/2025
Sa fiesta kitchen, hindi lang ulam ang niluluto—pati pasensya! Habang kumukulo ang mga kaldero, mas kumukulo pa ang tawa kasi lahat nagmamadali, nag-aagawan sa sandok, at may isang chef na ‘taste test’ nang taste test kahit hindi pa luto. Pero ganun talaga—dito sa kusina nagsisimula ang tunay na saya. Kahit pawis, puyat, at konting bardagulan, tuloy pa rin ang luto para sa buong barangay. Kasi sa fiesta, walang suko—lalo na pag may libreng kain!