Barangay Borac, Coron, Palawan

Barangay Borac, Coron, Palawan Sa paglipas ng mga taon, taong 1926 itinatag ang PAMAHALAANG BARRIO BORAC na naunang Tenyente Del Barrio ROQUE "paeg" SUGBO hanggang siya ay yumao taong 1939.

BRIEF HISTORY:

Batay sa talaan ng kasaysayan at alaala ng mga iilang naunang naninirahan dito, taong 1915 kilala ito sa lugar na Sitio Borac ng Barrio Marcilla. At ang mga sumunod na Tenyente Del Barrio ay sina Rodrigo Echague, Marcelino Tabale, Juan Tabale, Alejandro Austria, Cristuto Mabanta, Cristituto Panday at Nemesio Braganza taong 1961. Dahil sa lupang donasyon ni G. Patricio Peb

eauco nagkaroon nang mababang paaralan ng Borac Elementary School taong 1935 at dahil sa pagdami ng mga mag-aaral nagkaroon na rin ng sekundarya na nagsilbing annex ng Coron School of Fisheries. At sa paglipas ng taon, taong 1995 isa na itong Borac National High School. Ang BORAC ay hango sa salitang Tagbanua na ang ibig sabihin ay BUNGA o PRUTAS at sa Cuyonon naman ay ang ibig sabihin Burak ay Bulaklak. Dito matatagpuan ang mga magubat na lugar na maraming mga punong kahoy at mga baging na namumunga at namumulaklak. Habang wala pa ang tag-ani ng palay sa kaingin, ang nagsisilbing pagkain ng mga tao ay ang mga bunga ng Pale, Paho, Amoges, Alulyaw, Sipuna, Santol, Duhat, Kulyat, Begnay, Inyam, Balon Saging, Lamang Baging Korot, Kapari, Tagya, Kabwan, Kamote, Araro, Kaladi, Saging, Mais at iba pang bungang kahoy.

Address

Borac, Palawan
Coron
5316

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm
Saturday 9am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Borac, Coron, Palawan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share

Category