18/08/2026
AGUSTO 5, 2026: Opisyal nang nagsimula ang paglalakbay ng ating mga 25 OAP NC II scholars sa pamamagitan ng 𝐓𝐫𝐚𝐢𝐧𝐢𝐧𝐠 𝐈𝐧𝐝𝐮𝐜𝐭𝐢𝐨𝐧 𝐏𝐫𝐨𝐠𝐫𝐚𝐦—isang mahalagang unang hakbang tungo sa pagkatuto, paghubog ng kasanayan, at pagbuo ng mas maraming oportunidad.
Taos-puso ang aming pasasalamat kay Ma’am Merlitz Cabili Yanto, ating TESDA Representative, sa pagbabahagi ng mahalagang kaalaman tungkol sa TESDA Scholarship Program, kabilang ang mga benepisyo, responsibilidad, at mga dapat asahan ng ating mga iskolar.
Lubos din ang aming pasasalamat sa Office of Congresswoman Rep. Josie Baning Tallado - Camarines Norte sa patuloy na pagsuporta at pagbibigay ng pagkakataong ito sa ating mga kababayan. Sa pamamagitan ng inyong malasakit sa edukasyon at skills development, mas maraming pangarap ang nabibigyan ng pagkakataong maisakatuparan.