10/09/2026
📢 Mayroon ba kayong mga 25 centavos? Tara! Palitan natin! 🪙💵
Hello mga suki ni Mang Jojo! 🫶
Bawasan natin ang mga 25 centavo coins na nakatabi sa altar, sa mga alkansya o mga garapon nyo sa bahay o sa tindahan. 😁
Wala na po kaming panukling 25 sentimos at onti pa ay lalabas na ang mga pinakatatagong mga singko sentavos. Kaso, baka po ibato na sa amin un pabalik ng ibang customers. 😂
Gawin nating perang buo yan at nang maging "pera" naman ang mga nakatabi lang na sentimos. Dalhin nyo lang po sa Tindahan ni Mang Jojo at ating bibilangin yan on the spot! Salamat! 😁