15/09/2025
Ang 3 klase ng tao na sisira sa negosyo mo (Part 3)
Hindi negosyo ang problema.
Tao ang dahilan kung bakit ito bumabagsak.
At kung hindi ka maging maingat,
mawawala ka sa direction kahit maganda pa ang negosyo mo.
Ito yung mga dapat taong dapat mong iwasan:
1. Empleyado mong puro reklamo, walang solusyon
Laging may reklamo.
Laging may comment.
Pero kapag tinanong mo,
“Anong solusyon mo?”
Tahimik.
Imbes na makatulong sa paglago,
sila pa yung nagpapabagal.
Hindi sila problema-solver,
sila ang stress-multiplier.
Ang negosyo, hindi para sa taong laging naghahanap ng mali
pero ayaw tumulong sa pag-ayos.
2. Customers na gusto ng VIP treatment,
pero ayaw magbayad ng premium
Gusto nila mabilis,
gusto nila special service,
gusto nila laging priority.
Pero pagdating sa bayaran?
Gusto yung pinakamura.
Business rule:
Kapag VIP treatment ang gusto,
dapat VIP payment rin ang kaya nila.
You deserve to be respected, not used.
3. Mga taong mahilig mag-advice tungkol sa negosyo,
pero wala namang successful na negosyo
Ang daming opinion.
Ang daming sinasabi.
Pero kapag tinanong mo:
"Anong negosyo mo ang naging successful na?"
Mabubulol na yan.
Be careful who you listen to.
Hindi porket malakas ang boses,
tama na ang direksyon.
Ang tunay na mentor, may resulta.
Hindi puro salita.
💡 EDTF Reminder:
✅ Don’t let constant complainers drain your energy.
✅ Don’t bend over backward for people who don’t respect your value.
✅ Don’t take advice from people who never built what you’re building.
Sa negosyo, hindi mo kailangan ng maraming boses.
Ang kailangan mo: malinaw na direksyon.