21/04/2026
Return Item Policy
Upang mapanatili ang kalidad ng ating mga produkto at serbisyo, narito ang ating mga panuntunan para sa pagbabalik ng items:
• 3-Day Return Period: Ang anumang item ay maaaring ibalik sa loob lamang ng tatlong (3) araw mula sa petsa ng pagkakabili.
• Proof of Purchase: Kailangang ipakita ang orihinal na resibo o anumang katibayan ng pagbili.
• Condition of Item: Tatanggapin lamang ang return kung ang item ay:
• Hindi pa nabubuksan (Sealed).
• Hindi pa nagagamit.
• Nasa orihinal at maayos na packaging.
Valid Reasons for Return:
• Maling item na naibigay.
• Factory defect o pinsala sa produkto (maliban kung ito ay nasira dahil sa maling paggamit ng customer).
Quality Check at Approval
• Ang anumang produkto na may hinalang factory defect ay dapat dumaan muna sa pagsusuri (quality check) upang makumpirma ang sira.
• Ang request para sa refund ng mga depektibong item ay dadaan sa approval matapos makumpleto ang pagsusuri.
Exchange Only (Palit-Item Lamang)
• Tandaan na ang lahat ng approved refund para sa mga depektibong item ay para sa palit-item (exchange) lamang ng kaparehong produkto o item na may kaparehong halaga.
PS: Direct monetary refunds are not provided.
Paalala: Pagkalipas ng tatlong araw, hindi na po namin tatanggapin ang anumang request para sa return o exchange. Siguraduhin pong i-check nang maigi ang inyong mga binili bago umalis ng shop o pagkatanggap ng delivery.
Salamat sa inyong pag-unawa at patuloy na pagtangkilik!