23/09/2026
📢 WATER SUPPLY ADVISORY
Magandang araw po sa aming mga customers!
Ipinapaalam po namin na kasalukuyang mahina ang supply ng tubig mula sa Water District, kaya hindi po kami makapag-refill nang tuloy-tuloy. Dahil dito, pansamantalang namamatay ang aming filtration/refilling machine kapag hindi sapat ang pumapasok na tubig.
Humihingi po kami ng inyong pang-unawa at pasensya sa maaaring maging delay sa aming water refilling service.
Patuloy po naming mino-monitor ang water supply at babalik sa normal ang aming operations kapag naging stable na ang supply ng tubig.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at patuloy na suporta. 💧🙏
Cachs Flows Water Refilling Station