02/09/2026
Top 8 Mistakes ng mga Amateur na Kusinero
1. Kulang ang mise en place
Busy na saka pa lang naghihiwa at naghahanap ng ingredients.
2. Hindi nagbabasa ng buong order
Kaya may nakakalimutang side dish, sauce o special request.
3. Mabilis pero magulo at marumi
Speed without control creates more mistakes.
4. Hindi nagtatanong kapag hindi sigurado
Mas okay magtanong kaysa mag-aksaya ng pagkain.
5. Hindi tumitikim ng niluluto
Huwag maglabas ng pagkain na hindi mo na-check.
6. Mahina sa communication
Hindi sumasagot, hindi nagko-call out at hindi nagsasabi kapag paubos na ang item.
7. Masyadong sensitive sa correction
Huwag personalin ginagabayan ka para gumaling.
8. Ayaw tumulong sa ibang station
Sa kusina, teamwork ang nagpapatapos ng service.
Normal lang magkamali kapag baguhan. Ang hindi normal, inuulit mo pa rin pero ayaw mong matuto.