03/10/2026
DAVAO CITY WATER DISTRICT BRINGS BACK FREE WATER PROMO FOR LAST 3 MONTHS OF 2026
Muling inilunsad ng Davao City Water District (DCWD) ang Libreng Tubig Promo para sa huling quarter ng 2026 bilang pasasalamat sa mga consumer at tulong sa mga pamilyang nahaharap sa tumataas na presyo ng mga pangunahing bilihin.
Kwalipikado ang residential connections na may half-inch water meter at kumokonsumo ng hindi lalampas sa 5 cubic meters kada buwan.
Sakop ng libreng konsumo ang:
π§ Oktubre - lalabas sa November billing
π§ Nobyembre - lalabas sa December billing
π§ Disyembre - lalabas sa January billing
Gayunman, mananatili sa bill ang β±50 meter maintenance charge, pati ang anumang dating arrears o outstanding balance.
Ayon sa DCWD, nais din nitong maibalik sa consumers ang benepisyo ng patuloy na pagpapalakas ng water services nito mula sa groundwater at surface water sources, na tumutulong mapataas ang kapasidad at resiliency ng sistema sa iba't ibang kondisyon ng panahon.