02/07/2026
π’ To our valued NokNok Chicken customers,
We sincerely apologize sa lahat ng customers na na-miss namin simula kahapon hanggang ngayong umaga. ππ
Maraming salamat sa patuloy ninyong suporta. Hindi po namin inaasahan na dadami ang mga bumabalik na customers at kasabay nito ay marami rin kaming bagong customers. Sobrang nakakataba po ng puso ang tiwala at support na ibinibigay ninyo sa NokNok Chicken.
Sa kasamaang-palad nagkaroon kami ng ilang challenges nitong mga nakaraang oras at kahapon. Naubos ang aming stocks kaya kinailangan naming mag-restock ng mas maraming manok at iba pang ingredients. Kaninang umaga naman nagkaroon pa ng problema sa aming deep fryer habang naghahanda kami para sa operasyon. Dahil dito may mga customers kaming hindi agad napagsilbihan, at alam naming may ilan pa ang umalis nang hindi nakabili.
Taos puso po kaming humihingi ng paumanhin sa lahat ng naabala. Hindi ito ang klase ng service na gusto naming ma-experience ninyo.
Rest assured, ginagawa namin ang lahat para unti-unti pang mapabuti ang aming operations at serbisyo upang mas marami pa kaming mapagsilbihan at hindi na maulit ang ganitong sitwasyon.
π Bilang maliit na paraan ng aming pasasalamat at paghingi ng paumanhin, ang first 3 customers na o-order ng Fried Chicken Meal ngayong araw, from 1:00 PM hanggang 7:00 PM ay makakatanggap ng FREE Extra Rice. ππ
Maraming salamat sa inyong pag-unawa, pasensya, at walang sawang suporta. We truly appreciate each and every one of you.
We look forward to serving you better. πππ