27/08/2026
🏆GAWAD SAKA REGIONAL AWARDING 2026 🌾🏆
Isang napakapalad at hindi malilimutang sandali para sa aming pamilya at aming bukid! 🙏❤️
Buong puso naming ipinagpapasalamat ang mga natanggap naming parangal:
🏆 Advocacy Champion
🌱 Best Environmental Advocate
👨👩👧👦🏆 Regional Gawad Saka Winner – Outstanding Farm Family 2026
Higit sa lahat, maraming salamat sa Panginoong Diyos sa Kanyang gabay, lakas, biyaya, at patuloy na pagpapala. Ang lahat ng karangalan at papuri ay para sa Kanya. 🙏
Taos-puso rin ang aming pasasalamat sa Department of Agriculture, sa pangunguna ng Regional Executive Director Rodel P.Tornilla,RAgr,MABE,
Dr Alvin Milan PhD Gawad saka focal person,
Mam Donabel Valenzuela Gawad saka secretariat,
DA-ATI, Center Director Joey Belarmino PhD
Municipal Agriculture Office, Engineer Alex Idanan,at Local Government Unit of Del Gallego, sa pangunguna ni Mayor Melanie Abarientos-Garcia, sa walang sawang suporta, paggabay, at mga oportunidad na ipinagkakaloob ninyo sa amin.
Sa aming pamilya, farm interns, at masisipag na farm workers, maraming salamat sa inyong sakripisyo, tiyaga, dedikasyon, at pagmamahal sa ating hanap buhay . ❤️🌱
Ang mga parangal na ito ay hindi lamang para sa amin, kundi para sa lahat ng naging bahagi ng aming paglalakbay. Bawat pawis, pagod, at pagsubok ay naging bahagi ng tagumpay na ito.
Ang pagkilalang ito ay magsisilbing inspirasyon upang lalo pa naming ipagpatuloy ang pagsusulong ng makabuluhang agrikultura, pangangalaga sa kalikasan, at pagtulong sa kapwa magsasaka. 🌾💚
Mula sa aming bukid para sa komunidad—patuloy kaming magtatanim, mag-aalaga, magbibigay-inspirasyon, at maglilingkod.
🙏 Sa Diyos ang lahat ng papuri at kaluwalhatian!
🌱 Padayon sa pag-uma, padayon sa pag-alaga sa kalikasan, at padayon sa serbisyo!