Tercero Streat - Echague

Tercero Streat - Echague Street food cravings? Tercero got you covered—grilled, fried, and full of flavor!

OFFICIAL STATEMENTNakarating po sa Tercero Streat Food and Beverage Vendors Association ang isang kumakalat na post sa s...
07/03/2026

OFFICIAL STATEMENT

Nakarating po sa Tercero Streat Food and Beverage Vendors Association ang isang kumakalat na post sa social media na nagsasabing may nabili umanong ihaw-ihaw na may itlog ng langaw sa Echague Market at iniuugnay ito sa mga nagtitinda sa Tercero Streat.

Matapos ang agarang beripikasyon at pakikipag-ugnayan, napag-alaman po na ang naturang ihaw ay hindi nabili sa Tercero Streat kundi sa ibang bahagi ng palengke ng Echague.

Nais po naming linawin na ang mga vendor sa Tercero Streat ay patuloy na nagsusumikap na mapanatili ang kalinisan, maayos na paghahanda ng pagkain, at kalidad ng mga produktong aming itinitinda. Mahigpit po naming pinahahalagahan ang food safety at ang tiwala ng aming mga mamimili.

Nakikiusap din po kami sa publiko na kung maglalabas o magpo-post ng anumang impormasyon sa social media, tiyakin muna na tama, malinaw, at nakasaad ang eksaktong detalye upang maiwasan ang maling pag-uugnay na maaaring makasira sa kabuhayan ng mga vendor na sumusunod naman sa tamang pamantayan ng kalinisan at kaligtasan ng pagkain.

Maraming salamat po sa inyong patuloy na suporta at pag-unawa.

Olive Pacheco
President, Tercero Streat Food and Beverage Vendors Association

BEST FAMILY PHOTO AT TERCERO STREAT!2 YEARS ANNIVERSARY namin, pero KAYO ang bibigyan namin ng budget! Sumali na sa amin...
27/02/2026

BEST FAMILY PHOTO AT TERCERO STREAT!

2 YEARS ANNIVERSARY namin, pero KAYO ang bibigyan namin ng budget! Sumali na sa aming Photo Contest at baka ang "nguyang-nguya" look niyo ang manalo ng up to ₱3,000 dito sa Tercero StrEAT Echague! 💸🍔

PAANO MANALO?
• Pa-Follow Naman: Follow our page and tag 3 friends na mahilig maki-share sa extra rice. 🍚

• Smile & Chew: Mag-picture kasama ang family (dapat 2+ na tao, bawal ang solo flight!). 👨‍👩‍👧‍👦

• Pasa Na: I-message ang photo sa amin until March 8, 2026.

• Like-erist: Paramihan ng Likes ang labanan, kaya i-ready na ang pang-GC na "Pa-like naman po!" 🤳

PRIZES:
• 1st Place: ₱3,000 (2000 Cash + 1000 GC)
• 2nd Place: ₱2,000 (1500 Cash + 500 GC)
• 3rd Place: ₱1,000 (700 Cash + 300 GC)

[!NOTE]
We will announce the winners on March 18, 2026.
Reminder: Rewards are subject to attendance; kailangang present kayo on the day of awarding para makuha ang prize!

Kaya ano pang hinihintay niyo? Tara na sa Tercero StrEAT, kain tayo, and let's make some memories! 🍔✨

*Permission to post po sa mga nasa picture 😊

HAPPY VALENTINES! ❤️🌸Tercero Streat Specials: Dahil ang love, hindi kailangang mahal. Tikman ang Valentine’s Promos nami...
09/02/2026

HAPPY VALENTINES! ❤️🌸

Tercero Streat Specials: Dahil ang love, hindi kailangang mahal. Tikman ang Valentine’s Promos namin at marami pang iba!



Address

Cabugao
Echague
3309

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tercero Streat - Echague posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category