29/10/2023
Please help for school project po.
Pa heart ❤️ react po sa mismong picture. Thank you po.
https://m.facebook.com/story.php?story_fbid=122115474182049732&id=61551491963604&mibextid=ZbWKwL
Candidate #1
Samantha May M. Ramirez
STE 10 A-Claude Bernard
India 🇮🇳
Hulaan: nagsisilbing dibuho ng mayamang nitong kultura yaong tila dagat na mga hibla ng tela, kislap ng nagniningning na mga dyamanteng lumulutang sa kayumangging balat ng isang dalaga, at detalyadong kasuotang pinangingibabawan ng maririlag na burda. Karagatang bumabalot sa maalong buhay ng mga mamamayan. Isang bansang matatagpuan sa Timog Asya, nangunguna sa bahagdan ng sangkatauhan, tanyag sa pagkakaroon ng mayabong na relihiyon, tradisyon, at kultura — India.
Bansa kung saan sinaunang mga relihiyo'y isinilang: Hinduismo, Budismo, Jainismo at Sikhismo na sinundan ng Kristiyanismo at Islam. Libo-libong pangkat, daan-daang dayalekto. Sa kultura man ay iba-iba, iisang bandera ang iwinawagayway nila. Banderang pinamumugaran ng kahel, puti, at luntian; katumbas nito’y lakas at katapangan, katotohana't kapayapaan, at nag-uumapaw na likas na yaman. Pag-usad kasabay ng mabilis na takbo ng panahon naman ang sagisag ng bughaw na gulong sa gitna.
Sa panahon natin ngayon na nasa taluktok ang mundong onlayn, sakit kung kumalat ang mga kontrobersiyang konektado sa rasismo. ‘Di maiiwasang makarinig, makakita ng negatibong konotasyon at panghuhusga laan sa mga taong naiiba sa kanila. Magsilbi sana ang pagdiriwang United Nations na pang-mulat muli sa ating isip na hindi dapat tayo maging sunod-sunuran sa tusong kabig ng damdamin. Ipahayag ang respeto sa bawat isa sa kabila ng pagkakaiba-iba. Igalang, kilalanin, at tangkilikin ang kultura ng kapwa para maipahayag ang tunay na himig ng pagkakaisa.