21/07/2026
Maligayang Unang Anibersaryo, Litsonaryo Meatshop! β€οΈπ·
Una sa lahat, ang aming pinakamataas na pasasalamat ay sa Panginoon. Siya ang nagbigay sa amin ng lakas, gabay, at pagkakataong maisakatuparan ang pangarap na ito. Ang lahat ng aming tagumpay ay bunga ng Kanyang biyaya at walang hanggang pagmamahal.
Taos-puso rin kaming nagpapasalamat sa Lungsod ng Gapan, sa pagbibigay sa amin ng pagkakataong makapagsimula. Mula sa aming unang maliit na puwesto sa Gapan, nabigyan kami ng pagkakataon. Sa pinaka the best Mayor Joy Pascual lubos po kami nagpapasalamat sa suporta ninyo sa mga vendors na tulad namin, dahil po sa inyong pamumuno at pagbibigay ng oportunidad, maraming katulad naming nangangarap ang nabigyan ng pagkakataong magkaroon ng kabuhayan at makapaglingkod sa ating komunidad.
Higit sa lahat, maraming salamat sa aming mga minamahal na suki, resellers, meat vendors, at sa bawat pamilyang nagtitiwala sa Litsonaryo Meatshop. Kayo ang naging inspirasyon namin upang patuloy na magsumikap at pagbutihin ang aming serbisyo araw-araw.
Happy 1st Anniversary, Litsonaryo Meatshop! β€οΈπ