10/08/2024
“PARANG NA-OFF AKO” - Ai-Ai Delas Alas
Nagbahagi ng advice ang batikang komedyante na si Ai-Ai Delas Alas sa two-time olympian gold medalist na si Carlos Yulo at girlfriend nito.
Sa isang video, ipinaabot ni Ai-Ai ang pagbati sa tagumpay ni Carlos pero hindi nito mapigilang maglahad ng kanyang opinyon at obserbasyon.
"Kasi napanuod ko ‘yung parang interview. Parang na-off ako kasi si girly habang iniinterview si Carlos yung bata nakasandal dito yung baba ‘nung girl. Buti nalang bilugan si ate girl, kasi kung ako ‘yun, naku wala, pat4y sabog ‘yung balikat ni baby boy, buti nalang pabilog siya hindi patulis.", pagbibirong pahayag ni Ai-Ai.
Nagbibiro man sa una, may sersyong advice naman si Ai-Ai sa kasintahan ni Carlos na si Chloe lalo na pagdating sa mga interviews.
"Ate girl, dapat pag ‘di ka naman kasama sa interview, dito ka nalang sa side by side ng darling mo. Kasi siyempre Olympian ‘yan, siya yung iniinterview. Dapat ‘di ka na sumasali ng kahit kaunti ‘dun sa eksena.”, mensahe ni Ai-Ai para kay Chloe.
May paki-usap din ito sa mga mag-iinterview kay Carlos na sana’y piliin na ang itatanong at iwasan na sana ang mga personal questions.
"Doon naman sa mga nag-iinterview, utang na loob, ‘wag niyo na siyang tanungin tungkol doon, di naman showbiz ‘yang bata. Huwag na ninyo siyang tanungin ‘dun sa personal na nilang buhay. Kasi ano eh nagki-create pa ng intriga. Ibang tanong nalang, ‘yung tungkol sa Olympics. Huwag na yung sa personal nilang buhay, di ba?“ - Ai-Ai Delas Alas.