20/08/2026
‼️‼️FOR AWARENESS - KAWATAN (PANOORIN ANG BUONG VIDEO)‼️‼️
Kami po ay nananawagan sa pagkaka kilanlan ng taong ito, kung kilala niyo po sya ay agad makipag coordinate sa amin o message po kami sa aming page.
Kita sa video ang isang binatilyo na nagnakaw ng bike ng aming staff kagabi 11:39 PM (August 19,2026). Kitang-kita po sa video na hinintay nya lang na makapasok ang aming staff bago ito kinuha!
Sana po ay matulungan niyo kami na matunton ang taong ito.
Paalala! Maging maingat po tayo sa ating mga gamit, isarado ang mga gate ng ating tahanan. Dahil ang mga magnanakaw at masasamang tao ay walang pinipiling oras at lugar. Lagi tayong mag ingat at wag mag kumpyansa dahil posibleng mangyari din sa ito sa inyo.