11/06/2026
IBA DIN ANG MINDSET NI MS. MYLENE
GASTUSIN AT E ENJOY ANG KANYANG PINAGHIRAPAN, HABANG NABUBUHAY PA SIYA😲
Nanindigan ang aktres na si Mylene Dizon na wala siyang balak ipamana ang kanyang mga ari-arian sa kanyang dalawang anak na sina Tomas at Lucas.
Sa kanyang naging panayam sa veteran journalist na si Bernadette Sembrano sa YouTube, ipinaliwanag ni Mylene ang kanyang praktikal at modernong pananaw sa pagpapalaki ng anak at paghawak ng pera.
Naniniwala si Mylene na sapat na ang pagbibigay ng magandang edukasyon upang makatayo ang kanyang mga anak sa sarili nilang mga paa.
Gusto niyang maranasan nina Tomas at Lucas na magtrabaho at kumita ng sariling pera para pahalagahan ang bawat piso.
Plano ni Mylene na gastusin at i-enjoy ang lahat ng kanyang pinaghirapang pera at solid properties habang siya ay nabubuhay.Ibenta ang mga ari-arian:
Ayon sa aktres, kung kinakailangan niyang ibenta ang kanyang mga bahay o lupa para tustusan ang kanyang pagtanda o pagpapagamot, gagawin niya ito para hindi siya maging pabigat sa kanyang mga anak.
CTTO