01/07/2026
Ayon sa Batas (RA 7160 – Local Government Code):
Ang LGUs ay may malinaw na mandato at pondo (galing sa buwis gaya ng amilyar) upang:
•Maghatid ng serbisyong pang-ekonomiya
•Suportahan ang agrikultura
•Magpatupad ng lokal na regulasyon sa merkado
Ibig sabihin, hindi dapat nakaasa lang ang LGU sa national government—may kapangyarihan at resources sila para kumilos.
Panahon na para kumilos ang LGUs
Hindi na bagong isyu ang importation. Panahon na para mas maging aktibo ang mga LGU at gampanan ang mas malaking papel sa pagsuporta sa mga lokal na magsasaka at hog raisers. Hindi dapat puro paghihintay—may magagawa ang LGUs.
Mga Maaaring Gawin ng LGUs
1. Pagmomonitor ng Presyo at Suporta sa Merkado
•Maglaan ng designated na puwesto sa palengke para sa lokal na hog raisers at traders
•Siguruhin ang patas na presyo at iwas lowballing ng middlemen
•Mag-organisa ng regular hog raisers/farmers’ market para direktang koneksyon ng producer at consumer
2. Suporta sa Produksyon (Pagpapababa ng Gastos)
•Bumili ng feeds nang maramihan at ipamahagi sa mas murang halaga
•Bawasan ang pagdepende ng hog raisers/farmers sa traders
•Palakasin ang kita ng magsasaka/hog raisers
3. Pamumuhunan sa Imprastraktura
•Mag-invest sa public slaughterhouses at processing facilities
•Bigyan ng kontrol ang hog raisers sa:
•Presyo
•Proseso
•Access sa merkado
•Bawasan ang monopoly ng middlemen
4. Balanseng Paraan sa Importation
•Huwag agad ipagbawal, kundi i-manage nang maayos
•Iposisyon ang lokal na karne bilang mas de-kalidad
•Magpatupad ng:
•Tamang segregation ng local at imported meat
•Limitasyon sa labis na pagbebenta ng imported kapag sapat ang lokal supply
Mahalaga:
•Imported meat → ilabas lang kapag kulang ang supply
•Kung sapat ang lokal → manatili muna sa cold storage
ctto