18/07/2025
🟡 Ilang egg ang puwedeng kainin bawat araw kung naka-low carb⁉️
Walang pong striktong limitasyon — ito ay nakadepende sa iyong kalusugan, nutritional requirements, at layunin sa lifestyle.
✅ Para sa karamihan ng mga healthy adults na sumusunod sa low-carb diet:
👉 1–3 itlog bawat araw ay itinuturing na ligtas.
👉 Hanggang 6 na itlog kada araw ay napatunayang ligtas din para sa karamihan, lalo na kung ito ay bahagi ng isang low-carb at anti-inflammatory lifestyle.
🧬Bakit mainam ang itlog sa low-carb nutrition⁉️
✅Mayaman sa high-quality protein 🥚
✅May choline na mahalaga para sa brain at liver health 🧠
✅May healthy fats
✅Less than 1g lamang ang carbohydrates kada itlog
✅Siksik sa nutrisyon at nakakabusog
⚠️ Paalala para sa ilang pasyente:
Kung may advanced kidney disease (non-dialysis CKD) o labis na mataas na triglycerides, maaaring kailanganin ang individualized adjustment, lalo na sa egg yolks.
💡 Pinakamainam pa rin ang medically guided approach, lalo na kung may kasamang ibang kondisyon o iniinom na gamot.
✅ 1–3 itlog/araw = ligtas para sa karamihan
✅ Hanggang 6/araw = ligtas para sa maraming low-carb individuals
🚫 Ang itlog ay hindi kalaban.
❌ Ang totoong panganib ay nasa labis na asukal at processed food.
🥚 Ang egg ay maaaring maging kaagapay sa metabolic healing.💪
CTTO
Dr. Brian Aubrey Castillo