11/02/2026
SSS, Phil Health at Pag-ibig issue.
Grabe na talaga ang gobyerno ng pilipinas.
May panukala sila na pag wala kang sss, philhealth at pagibig kahit wala kang empleyado kelangan mo kumuha ng lahat ng yan. Dahil katulad ng nangyari kay diwata na bigla na lang syang inaresto at ikinulong ng walang kamalay malay dahil wala sya ng lahat ng yan. Walang notice na kelangan nya mag comply ng lahat ng yan dahil nga maliit lang ang negosyo nya.
Pati yung trending na may aircon repair and services way back 2018 pa to ah dahil nag sara sila nung pandemic ikinulong nakaraang araw lang dahil walang sss, philhealth at pagibig. Take note "wala syang empleyado" sya lang ang mag isa dahil. May business permit sya ngayon madali na madetect ng lahat ng sangay ng gobyerno kung ikaw ba ay wala ng mga ito.
Dahil sa talamak at napaka laking pondo na ninakaw ng gobyerno tayong maliliit at micro business ang tinitira ng gobyerno upang pigain ng pigain. Satin kinukuha ngayon lahat ng nawalang pondo sa kaban ng bayan.
Biruin mo sobrang pag taas ng singil sa mga business permit, grabe ang itinaas. Hindi na makatao.
Bukod don may tax ka pa sa BIR na every quarter kelangan mo bayaran.
Ngayon naman kelangan naman ng philhealth, pag ibig at sss para hindi ka makulong kagaya sa mga nangyari ngayon kay diwata at kay kuyang may aircon repair and services. Kahit wala kang empleyado kelangan mo kumuha. Ano pa ang kikitain namin na maliliit na negosyante 🥲
Jusko, grabe na ang gobyerno sobrang lala. Pano pa tayo makakaahon neto?
Eto na talaga ang BAGONG PILIPINAS. Napaka hirap lumaban ng patas ngayon. BULOK NA SISTEMA AT GOBYERNONG MAPANG ABUSO.
Hindi ko na alam kung san tayo lulugar. Hand up nako.
WALA TAYONG MAGAWA KUDI SUMUNOD NA LANG. DAHIL KUNG HINDI KA SUSUNOD, HIHIMAS KA NG REHAS.
KAWAWANG PILIPINAS.