07/09/2026
SINISI AT SINABIHAN NA T4NGA NI MA'AM ANG CLASSMATE KONG LALAKI DHL UMUTOT DAW ITO.
Ako si Nana at grade 4 student,may pasok kaming hapon ganto talaga sa probinsiya may pasok sa Umaga at hapon
Maaga ako nagpunta sa school para maglaro ung iba nauuna na,nakasanayan namin pumasok na 12:20 para may time kami maglaro,
Pawis na pawis kami nagtakbohan sa upoan namin na makita namin papasok na si ma'am.
Good afternoon po ma'am!!! Sabay sabay namin Sabi
Good afternoon din. Nag bigay na sign si ma'am na umupo na kami
Sally i sulat mo nga itong page 239. Saad ni ma'am sa secretary,
Oyy! Sulat mo ako.
Ano ba wag Kang magulo!
Ppsssst magalit si ma'am ingay niu
Ma'ammm ohhh
Yan ang naririnig sa bawat araw nmn sa school,ganto talaga kami mag kklassmte maingay kaya minsan nagagalit ung ibang classroom.
Ang nangingibabaw na boses ay si Jon Jon sa likod ko
Ingay niyo!! Sabi ni ma'am habang nag checheck sa mga assignment nmn
Tumahimik kami bigla.
Tumitingin ako Kay ma'am na pabalik balik saka sa sinusulat ko pinipigilan ko umutot Pero diko napigilan,naka otot ako ang baho dhl etlog ang ulam ko kanina tanghali kaya subrang baho n otot ko, inipit ko ung palda ko para walang makaamoy.
Tumingin ako sa likod na boys wala nmn Silang reaction Pati si Jon Jon na katapat ko sa likod ay wala nagsusulat lng siya.
Ang baho sinong umotot!!! Sigaw ni ma'am, nilamig ang katawan ko napatingin Kay ma'am, tahimik lng ako nag sulat kunwari para di mahalata ni ma'am
Ang baho sinong nag ulam n etlog ngaun ang baho baho!
Pwede nmn kau mag Sabi na excuse po ma'am uutot lng ako!
Walang galang sinong umotot taas ang kamay!
Sabihin mo umotot ka bibigyan kita na grade,sino taas ang kamay!! Dagdag pa ni ma'am, nakikita ko na galit Kay ma'am, totoo nmn mabaho ang utot ko
Pero nanatili ako tahimik DHL natatakot ako at mapapahiya ako sa classmate ko kaya hnd ako nag salita
Oyy sinong umotot. Mahina Sabi ni Ryan
May naamoy ka? Bulong sakin ni Ashley, nag kunwari ako nakatakip na ilong para hnd masisi
Oo ang baho. Sagot ko n mahina
May grade daw ung tataas na kamay! Sinong umotot Sabi ni ma'am,ang baho parang pat4y na daga hahaha! Natatawang Sabi ni Jon Jon na malakas pa pagkakasabi nito
Kaya natawa ang iba at sumang ayon din,Pati ako natawa
Ikaw Jon Jon! Ikaw ang umotot !! Galit na Sabi ni ma'am,natawa kami na unti
Hindi po ma'am,. Nakatakip na ilong nito,
Put4ng1na kung uutot ka Jon Jon lumabas ka! Ang baho baho na utot mo! Dagdag pa ni ma'am
Hnd ako umotot mamat4y man promise ma'am! Defence nito
Didinay kapa bakit nakangiti ka? Bakit may bakas na tumatawa ka Jon Jon! Sa susunod lumabas ka Pag uutot ka,may paa ka naman
Sabihin mo excuse po ma'am uutot ako!
Wala Kang hiya! Dagdag ni ma'am na guguilty ako dahil si Jon Jon ang nasisi kahit ako naman ang umotot
Marami pa sinabi si ma'am na masasakit na salita.
Mamat4y man ako ngaun hindi ako ang umotot. Umiiyak na Sabi ni Jon Jon
Put4ng1na kasing sino ang umotot Sana mamat4y ako pa nasisi! Dagdag niya nag pupunas na luha
Tumingin ako Kay Jon Jon
Tama na Jon. Pagtatahan ko pero nagalit ito
Mabilis lumipas ang oras uwian na, mabilis na tumakbo si Jon Jon paalis sa classroom,nakatingin ako sa likod niya habang tumatakbo siya
Na guguilty ako DHL napagalitan siya ni ma'am kahit ako ang may kasalanan.
Hanggang ngaun grade 6 na kami hindi parin alam ni ma'am at Jon Jon na ako ang umotot,Pag naaalala ko ung pangyayari naaawa ako Kay Jon Jon DHL siya ung pinahiya at pinagalita kht wala siyang kasalanan..
Ccto: photo