23/09/2026
🎉 2 YEARS OF KANTO MEALS! 🥹❤️
Two years na ang Kanto Meals. Dalawang taon ng pagluluto, pagod, puyat, tawanan, stress, at higit sa lahat—dalawang taon ng suporta mula sa inyo, Kabsuhenyos. 🥹🫶
Kung hindi dahil sa inyo, hindi namin mararating ang dalawang taon. Sa bawat order, repeat order, pag-recommend, pag-share ng posts namin, at kahit simpleng pagdaan at pagbili. Maraming salamat po! Kayo ang naging malaking parte kung bakit patuloy naming ginawa at pinaglaban ang small business namin.
Pero habang ipinagdiriwang namin ang milestone na ito, may konting lungkot din. 🥹
As we enter our fourth year in college, unti-unti na rin kaming papalapit sa graduation. At dahil sa school lang din namin naibibigay ang Kanto Meals, alam naming darating ang panahon na kailangan na rin naming magpaalam.
Kaya bilang munting pasasalamat sa inyong dalawang taon na suporta, mamimigay kami ng FREE MEAL next week! 🍱🎉
Baka ito na ang isa sa mga huling pagkakataon na makapag-Kanto Meals kayo kasama kami, kaya sana samahan ninyo kami sa munting celebration na ito. 🥹
Kanto Meals may have started as a small business, but because of all of you, it became a beautiful part of our college journey.
Thank you for the two unforgettable years, Kabsuhenyos. ❤️
2 years down. One last chapter to go. 🥹🫶
Crave it? Kanto’s Got It! 😋