06/04/2026
Magandang araw po.
Ang aking kuya at ang kanyang girlfriend ay kabilang sa mga naaksidente sa San Ildefonso, Ilocos Sur. Sa kasalukuyan po ay nasa ospital sila at nagtamo ng malulubhang pinsala. Ang aking kuya po ay may fracture sa binti, habang ang kanyang girlfriend naman ay may fracture sa paa, hita, at pelvis.
Naka-schedule na po ang operasyon ng aking kuya, at bukas naman po ang sa kanyang girlfriend. Dahil dito, kinakailangan po naming makapagbigay ng malaking halaga bukas upang maisagawa ang kanilang mga operasyon.
Sa laki po ng gastusin, kami po ay lubhang nahihirapang makalikom agad ng sapat na pondo. Kaya naman po kami ay kumakatok sa inyong mabubuting puso, humihingi ng tulong para sa aking kuya at ate.
Ang aming pamilya ay buong pusong humihiling ng kahit kaunting pinansyal na tulong para sa kanilang operasyon. Anumang halaga po ay napakalaking tulong na sa amin sa oras na ito.
Higit sa lahat, hinihiling din po namin ang inyong mga panalangin para sa kanilang kaligtasan, matagumpay na operasyon, at mabilis na paggaling.
Maraming maraming salamat po sa inyong kabutihan at malasakit. 🙏