15/04/2026
Nagsimula na kahapon ang Youth Internship Program for Organic Agriculture (YIPOA) ng ATI-CALABARZON. Layunin ng programa na mahikayat ang mga kabataan na magkaroon ng pagsasanay sa agrikultura at pangkabuhayan sa mga susunod na panahon.
Ang pag pirma ng Memorandum of Agreement ng interns, farm partners at ATI-CALABARZON ay isinagawa sa Calauan, Laguna na pinangunahan ni Dr. Rolando Maningas, Director at sinaksihan ng DA-RFO Director at NOAP focal person.
Ang hamon at responsibilidad na ito ay buong puso tinaggap ng mga interns at farm partners. Lahat ay umaasa na pagpalain ang programa para sa ikauunlad ng organikong pagsasaka at mga kabataang kasapi nito