14/05/2026
🚨𝗡𝗘𝗪𝗦 𝗔𝗟𝗘𝗥𝗧 | 𝗟𝗨𝗭𝗢𝗡 𝗔𝗧 𝗩𝗜𝗦𝗔𝗬𝗔𝗦 𝗚𝗥𝗜𝗗, 𝗜𝗦𝗔𝗦𝗔𝗜𝗟𝗔𝗟𝗜𝗠 𝗦𝗔 𝗥𝗘𝗗 𝗔𝗧 𝗬𝗘𝗟𝗟𝗢𝗪 𝗔𝗟𝗘𝗥𝗧 𝗡𝗚𝗔𝗬𝗢𝗡𝗚 𝗛𝗨𝗪𝗘𝗕𝗘𝗦
Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines, isasailalim sa red at yellow alert status ang Luzon at Visayas grids ngayong Huwebes, Mayo 14.
Sa Luzon Grid, ipatutupad ang red alert mula alas-4 ng hapon hanggang alas-10 ng gabi. Magkakaroon din ng yellow alert mula alas-3 hanggang alas-4 ng hapon at alas-10 hanggang alas-11 ng gabi.
Samantala, sa Visayas Grid naman, red alert mula alas-4 ng hapon hanggang alas-9 ng gabi, habang yellow alert mula alas-3 hanggang alas-4 ng hapon at alas-9 hanggang alas-11 ng gabi.
Kapag nasa red alert status, nangangahulugan itong kulang ang suplay ng kuryente upang matugunan ang pangangailangan ng mga konsyumer at ng transmission grid. Sa yellow alert naman, nangangahulugan itong manipis ang operating margin para sa contingency requirement ng grid.
Pinapayuhan ang publiko na magtipid sa paggamit ng kuryente lalo na sa oras ng peak demand.