Kapihan By Yellow Hat

Directions Contact the business

Kapihan By Yellow Hat Kapihan. Kainan. Kuwentuhan.
(1)

BAKA NAMAN MAY MA-OFFEND PA DITO HA.Nabasa ko lang din 'to kung saan.Minsan, may isang lalake raw na nagtayo ng Zoo.  P3...
20/09/2026

BAKA NAMAN MAY MA-OFFEND PA DITO HA.

Nabasa ko lang din 'to kung saan.

Minsan, may isang lalake raw na nagtayo ng Zoo. P300 ang entrance fee. Walang pumatos. Walang nagpunta. Siguro masyadong mahal, kaya naisip niyang gawing P200 na lang ang entrance fee. Pero gaya nang nauna, wala pa rin.

Hindi puwedeng wala siyang kitain. Sa huli, naisipan niyang gawin na lang P10 ang entrance fee. Pero wala pa rin talagang nagpunta. Kahit isa. (Mga barat!)

Mukhang wala nang interesado sa Zoo. (Lalo't marami nang wild animals sa gobyerno.) Nakaisip siya nang pangmalakasang diskarte. Isang estratehiyang matagal nang ginagawa sa 'tin ng mga kapitalistang ganid. Ginawa niyang FREE ang entrance.

Laking gulat ng lalake. Biglang dumagsa ang mga tao. Ang dami! Sa gitna ng pag-iikot ng mga bisita, palihim niyang kinandado ang mga gate ng zoo. Saka niya pinakawalan 'yung mga gutom na liyon. Dito na siya naningil nang P500 para sa exit fee. Ang resulta—nagbayad lahat!

Kayo nang bahala sa moral lesson.

13/09/2026
010:  MAY TSISMIS AKO SA INYO...Maraming may ayaw sa Cafe Americano.  Lalo na kapag hot.  Minsan may o-order, tapos hihi...
07/09/2026

010: MAY TSISMIS AKO SA INYO...

Maraming may ayaw sa Cafe Americano. Lalo na kapag hot. Minsan may o-order, tapos hihingi ng sugar at creamer. Hindi ko gets. Sa bagay, ano bang ispesyal sa Cafe Americano? Isang shot ng espresso at mainit na tubig lang naman yun. Tapos 80 pesos na agad.

Bukod sa aroma at honest na coffee flavor, wala nang ibang ipapangako sa 'yo 'to kundi yung dosage ng caffeine na pakakawalan sa katawan mo.

Pero kanina, nag-crave 'tong misis ko (Chelle's Cake and Pastries) sa pastry na madalas niya raw orderin noong no'ng nasa Dubai pa siya. At dahil nagbe-bake na raw siya ngayon, gumawa na lang siya ng sarili niya. Although ang totoo e nagpapakitang-gilas lang siya sa 'kin. Alam ko na yun. Gano'n talaga siya. Crush kasi ako n'yan. Huwag n'yong ipagsasabi.

Maniwala kayo't sa hindi, first time kong makatikim ng ganitong Cinamon Roll. Perfect pair ng Cafe Americano. At kahit natatapangan ka sa blend na 'to, pinapa-smooth ng Cinnamon Roll yung lasa.

Sakto yung lambot. Sakto yung tamis. At satisfying yung combination ng cream cheese sa ibabaw. Solid at must try!

Sa weekend kasama na 'to sa menu namin. 80 pesos per order. Pero kung dadagdagan n'yo ng Cafe Americano na worth 80 pesos din—magiging 120 na lang as a combo.

Sa ngayon, tuwing weekend lang 'to available. Puwede kayong magpa-reserve para rin hindi maubusan. Pasyalan n'yo kami dito sa Kapihan by Yellow Hat.

009:  TAMBAY WITH KAPENinenok ko lang sa google yung quotes na nasa picture.  Hindi ko alam kung kanino ike-credit.  May...
06/09/2026

009: TAMBAY WITH KAPE

Ninenok ko lang sa google yung quotes na nasa picture. Hindi ko alam kung kanino ike-credit. May lay out na nagsasabing kay Steve Jobs nakapangalan. Yung iba anonymous. Yung isa parang pangalan ng gamot. Hindi ko na pinasakit ang ulo ko. Ang mahalaga may na-realize ako sa mga salitang yan.

Hindi ko pala dapat ituring na dry season itong dumaan na August. Dahil tamad na tamad ako last month, at walang motivation sa pag-shoot ng mga content, akala ko nabu-burn out na 'ko sa content creation.

Kapag binabalikan ko kung ga'no kagulo yung mga ideya ko last month, nare-realize ko na lang na hindi pala ako nabu-burn out no'n.

Hindi ko lang pala ma-figure out kung pa'no pagtatagpi-tagpiin lahat ng ideya na gumugulo sa isip ko. Patung-patong. Itinali ko yung sarili ko sa chronoligical order para sa arrangements na ako lang din ang gumawa.

Imagine, dalawang page ang kailangan kong paganahin ngayon. Noong mga sandali na binaklas ko yung content list ko na nakasabit sa pader—para akong nahulasan. Para akong kalderong tinanggalan ng tutong na kanin. Bigla na lang, ready na ulit pagsaingan.

Unti-unting nabuo ang lahat ng ideya sa isip ko sa huling linggo ng August. At gaya noong nakaraang taon, baka ito rin ang bumuhat sa 'kin hanggang sa susunod na Agosto.

Hindi aksidenteng mapadpad ka sa post na 'to. May maligno siguro na bumulong sa 'yo na tapusin ang pagbabasa. Para hindi ka lugi, narito ang mga unsolicited words of wisdom na ikaw at ikaw lang din ang makapagbibigay ng kahulugan.

Sa mga pagkakataong lusaw ka sa santambak na isipin; lunod sa ingay ng mga suliranin sa paligid; at natutuliro sa maligalig na mundo—tumabi ka muna sa pampang. Itali mo muna ang bangka mo bago ka itaob ng alon. Sumilong. Magpahinga. Magkape. Matatapos din ang bagyo. Pero siguraduhing pagkatapos ng pananalasa, mas matibay na ang lambat mo. Mas malaki. Mas maganda. At mas buo.

Higit sa lahat—may sapat na lakas para handa ka na ulit bukas.

"Ayaw ng mga nasa kapangyarihan sa taumbayan na matalino.  Ayaw niya sa mga nagtatanong, nagrereklamo, at opinyonado.  H...
24/08/2026

"Ayaw ng mga nasa kapangyarihan sa taumbayan na matalino. Ayaw niya sa mga nagtatanong, nagrereklamo, at opinyonado. Hindi dahil natatakot sila rito. Banta sa kapangyarihan ang taumbayan na matalino, dahil nagiging mahirap ang pagpunla ng takot—na siyang sangkap sa pagkontrol ng sistema. Tinatanggal ng talino ang busal ng mamamayan at binibigyan sila ng lakas ng loob na magsalita—sa halip na sumamba. Nagkakaroon sila ng tapang na itama ang lipunan. Ayaw nila nang gan'yan."

—Punto Devista, 2018

008:  HUWAG MO NGA AKONG TINATAKOT.Naalala ko 'yung kinuwento ng naging katrabaho ko noon na babae.  Factory worker daw ...
20/08/2026

008: HUWAG MO NGA AKONG TINATAKOT.

Naalala ko 'yung kinuwento ng naging katrabaho ko noon na babae. Factory worker daw ang unang trabaho niya. Sa isang pabrika ng kilalang chichirya mula pa noong 90's.

Medyo luma na raw ang gusali. Gutay-gutay ang mga dingding sa loob ng opisina—na sinasagip na lang ng mga kalendaryo ni Ara Mina, Francine Prieto, at iba pa. Hinihika na ang window type na aircon. At parang sangkot sa climax ng lumang Pinoy action film ang warehouse, dahil tadtad na raw ng butas ang bubong na para bang niratrat ng armalite ni George Estregan.

Sa packaging section siya naka-assign. Mahigit bente sila sa isang mahabang pasilyo. May kanya-kanyang cubicle para iwas tsismisan. Na hindi pa rin naman daw naging hadlang.

Minsan daw inobliga silang mag-over time dahil may bagong area na babagsakan ng batch. May kanya-kanyang quota sila. Hindi naman daw nakakainip dahil ka-close niya yung nasa katabi niyang cubicle. Si Lyka. Lagi raw silang magkakuwentuhan, kahit may dingding na nakaharang sa pagitan nila at hindi kita ang isa't isa.

Noong lumalalim na ang gabi, nararamdaman nilang pakonti na sila nang pakonti sa packaging line. Ibig sabihin, tapos na 'yung iba. May mga nagdadampot ng kagamitan. Tatayo. Lalakad-palabas. Pero hindi nila pinapansin. Kuwentuhan lang sila nang kuwentuhan.

Mabagal din daw kasi talaga magtrabaho si Lyka dahil maligalig. Panay ang tayo. Pupunta sa banyo. Makikipagdaldalan sa ibang cubicle. Tapos babalik sa upuan para siya naman ang daldalin. Paulit-ulit. Mga dalaga naman daw sila at walang naghihintay sa pag-uwi, kaya hindi raw kailangan magmadali.

Mula sa topic tungkol sa lovelife, hindi niya raw maalala kung paanong lumiko sa katatakutan ang usapan. Tinanong siya kung na-encounter niya na ba 'yung doppelganger sa locker room. Sinagot niya nang hindi pa.

Ang kuwento, nagsimula raw 'yun noong may namatay na bata habang ginagawa pa 'yung bubong ng pabrika. Anak ng isa sa mga construction worker. 7 years old lang. Nabagsakan ng malaking trusses. Pahampas na tumama sa ulo. Dead on the spot.

Sa area raw ng locker 'yun madalas magparamdam. Dahil doon daw nakapuwesto 'yung barracks noon. Kinikilabutan na siya kaya sinaway niya na si Lyka. Sinabihan niya 'to na "huwag mo nga akong tinatakot." Pero nang sawayin niya 'to, nagtaka siya dahil biglang tumahimik. Hindi na sumagot. Wala na rin siyang naririnig na tunog ng plastic sa kabilang cubicle.

Tumayo siya para silipin 'yung cubicle ni Lyka. Nanlaki ang mga mata niya. Gumapang ang lamig sa batok at namanhid ang mga pisngi niya. Wala nang tao. Nakasalansan na 'yung mga gamit nito. At siya na lang pala mag-isa sa buong packaging line. Imposible namang segundo lang e nakalabas na si Lyka. Kung gano'n sino 'yung kausap niya kani-kanina lang?

Hindi niya raw malaman kung ano'ng gagawin niya no'n. Pinawisan siya nang malamig at hindi makagalaw sa sobrang takot.

Pero alam n'yo kung nando'n ako, ipapayo ko na lang na mula ngayon puwede na kayong magpadala ng kuwento sa 'kin. Lahat ng mga nakakatakot na karanasan n'yo at encounters. Send n'yo lang via PM sa page na 'to.

Wala lang. Para lang may segment tayo rito. Pag-usapan natin 'yang mga creepy experiences n'yo na 'yan. Tingnan natin kung alin ang mas nakaka-palpitate. Kape namin dito sa Kapihan By Yellow Hat o 'yung kuwento n'yo.

19/08/2026
007:  EXPENSIVE MISTAKE PART 3:  BAGO KAYO SUMALI SA BANCHETTO BASAHIN N'YO 'TO...Hindi ako naniniwala na hindi nababasa...
17/08/2026

007: EXPENSIVE MISTAKE PART 3: BAGO KAYO SUMALI SA BANCHETTO BASAHIN N'YO 'TO...

Hindi ako naniniwala na hindi nababasa o hindi umaabot sa munisipyo yung mga post ko dito sa Kapihan. Lalo't pangangatawanan ko nang gawin itong social media page na tapunan ng mga opinyon at pahiran ng mga ideya ko—sa halip na maging tipikal na business page na nagha-hardsell ng mga produkto.

Kung hindi man talaga, meron at meron naman sigurong magpapabasa nito sa kanila. Ang tanong...kung sisipagin magbasa.

Mas mataas ang costing ng mga paninda namin sa Minnie's Market noon, dahil Japanese Food. Mas mahal kumpara sa Banchetto na existing products sa Punta ang laman ng puwesto. Pero pagdating sa renta, mas mataas sa Banchetto kahit pa nasa ilalim ito ng Jalajala LGU. Pero hindi tungkol dyan ang usapan.

Maraming factors na involved kung bakit masasabing mas successful ang Minnie's Market kaysa sa Banchetto ng Jalajala LGU. Kung gagamitan ng logic, madali lang naman maintindihan. Una, lokasyon. Pangalawa, target market. Pangatlo, dami ng stalls. Pang-apat, strategy. Pangatlo, MSME friendly yung presyo ng rent. Panglima, consistency.

Gusto ko sanang isa-isahin na ipaliwanag yan, pero palagay ko hindi na kakailanganin kapag tumalon tayo sa main topic.

Kung uulitin ng LGU ang Banchetto sa darating na Christmas Season (na sigurado naman), mahalagang may mga adjustments silang gawin. Madaling lusutan ng katuwiran na naging "masaya" at "successful" naman ang Banchetto last year. Totoo naman. Nairaos nga eh. Pero ika nga ng mga expert sa paborito kong show na Dragon's Den: "At the end of the day we will be talkin' about numbers." At dito magkakaroon ng kumplikasyon dahil as far as I know, hindi nagkaroon ng assessment during and after the set up ng Banchetto.

Anu-ano nga ba ang dapat gawin ng munisipyo para masiguro na makatotohanan ang suporta ng LGU sa small business owners? Paano magiging patas para sa mga sasaling vendors ang set up? At ano ang dapat isaalang-alang ng mga sasali uli rito?

1. Foot Traffic Generation — Mahalagang mapag-usapan kung ano yung mga strategy na gagawin ng munisipyo para maka-attract ng foot traffic. Hindi puwedeng ipaubaya sa vendors ang kanya-kanyang promotion. Exhausting din naman makakita sa platform ng dagsaang food vendors na nagha-hardselling sa platform.

Planado dapat ang mga programa at activities. Dapat may calendar of events para ma-activate yung FOMO (Fear Of Missing Out) syndrome ng consumers habang maaga pa. Hindi kailangan gumastos sa mga sikat na guests kung mag-aambagan din lang, dahil dagdag expenses pa yun.

2. Store Traffic Strategy — Paano masisiguro ng munisipyo na lahat ng stall ay lalapitan ng customers? Oo, obligasyon din naman ito ng may ari ng stall, pero mahalagang may supplemental effort mula sa munisipyo. Lalo't tenant nila ang mga ito. Sa part na 'to kailangan ng collaboration ng LGU at ng vendor.

Bigyan ko kayo ng tips: Discount Coupons, Loyalty Cards, Vouchers. Ilan lang yan. Pero dapat subsidized ng munisipyo ha. Or else, pa'no natin masasabing nasuportahan natin yung mga small businesses? Kung ang tanong: "Kaya ba ng budget?" Oo naman. May pondo dapat na nakalaan para dito, lalo't hindi naman ito first time mangyayari.

3. Customer Acquisition Strategy — medyo kapareho ng naunang dalawa 'to. Ang kaibahan, target mo dito na dumami yung mga taong nakakaalam na nag-e-exist yung Banchetto sa Jalajala. Dito na papasok yung online marketing strategy. Partnership with content creators and vloggers. Paggawa ng marketing videos na may strong hook. At paggamit ng pubmats na puwedeng ilagay sa mga kalsada, terminal ng jeep, at kung anu-ano pa.

But take note! Mas effective 'to kung magiging maganda ang ex*****on ng number 4 at 5.

4. Ground Activation — Kailangan may nangyayari. Kailangan kapag nakita ko sa social media yung Banchetto masasabi kong: "Hala, parang ang saya pumunta rito!"

Dito naging effective yung Minnie's Market. Consistent na may live performer tuwing biyernes at sabado. Na-train yung mga tao na pagdating ng weekend, mas masaya! Puwede namang i-adapt yun. At nagawa rin naman ng Banchetto. Although hindi consistent. Pero ang pinakaproblema talaga no'n e ang puwesto ng mga performers. Pa'no magtatagal sa dining area at oorder yung mga tao kung nasa bungad at wala sa loob yung performance?

Kayo na bahala kung pa'no n'yo iso-solve.

5. Placemaking — Hindi na kailangang pahabain. Ito naman talaga yung highlight ng Banchetto. Yung magandang pailaw. Yung malaking recycled Christmas Tree. Yung maliwanag na belen. At ito yung expertise ng LGU na mabibigyan mo talaga ng 10/10 na score. Malinaw ang narrative. Para sa Pasko. Para sa mga bata. Para sa mga pamilyang naghahanap ng buhay na pasyalan sa gabi.

Kung isa ka sa mga nagbabalak sumali sa Banchetto ng Jalajala, ito yung mga kailangan n'yong usisain sa kanila. May nakalaan na pondo para dito. Kaya alamin n'yo rin kung magkano. Hindi naman yun sinisikreto. Mahalaga ang transparency para magkaintindihan kayo sa limitasyon ng magkabilang panig.

Puwede n'yo 'tong gawing checklist bago kayo magdesisyon na sumali, dahil uulitin ko, arawan ang bayad pero may kamahalan ang renta sa Banchetto ng munisipyo. At may bayad pa rin kahit magsarado ka o mag-pull out. Alam kong may mas mahal pa, gaya sa Valenzuela City na doble ang presyo. Pero siyudad naman kasi yun. Ikaw na lang ang aayaw sa customer.

Tatlo pa lang naman ang nasasalihan namin dito sa Jalajala at ito ngang Banchetto ang pinakamataas ang renta. Bukod sa Banchetto, naging bahagi kami ng Minnie's Market nang 8 months noon. At isang linggo sa old municipal hall para sa Valentine's Special na libre lang namang pinagamit ng previous administration.

Kung nababasa 'to ng munisipyo ngayon, okay lang kahit basahin n'yo silently. Pero sana i-apply n'yo 'to ngayong taon. At huwag n'yong kalimutan na magsagawa ng assessment at kumustahin yung mga stalls araw-araw. Alamin n'yo kung magkano yung gross sales ng kada stalls daily. Makikita n'yo ro'n na malaking factor din yung positioning ng stalls. Saka magagamit n'yo yung mga data na yun sa pivoting.

Naaalala ko may files ako na binigay sa owner ng Minnie's Market noon (kay Aimin). Yung SANMMIG File. Para yun dapat sa supposedly e Minnie's Market 2.0. May mga strategy do'n na puwedeng i-apply. Yung isa nga ro'n nagawa na rin ng Intramuros Administration nito lang ding taon na 'to. So, why not sa Banchetto?

Hanggang dito na lang. Inaantok na 'ko. Ayoko nang labanan 'to gamit ang kape. Unless papasyal kayo dito sa Kapihan by Yellow Hat. Drop your thoughts sa comment section. Sipag n'yong magbasa eh.

Address

Jica Hi-way Sitio Dunggot Barangay Punta
Jalajala
1990

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kapihan By Yellow Hat posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Kapihan By Yellow Hat:

Shortcuts

Share