13/10/2026
Soon 💚💛
RECYCLED CHRISTMAS TREE, BELEN & MUNICIPAL FACADE LIGHTING 2026 ✨🎄♥️
📅 NOVEMBER 13, 2026 | 6:00 PM
📍 Jalajala Municipal Hall
Muling sisiklab ang diwa ng Paskong Jalaleño! ❤️💚
Tampok sa gabing ito ang makulay at nagliliwanag na Recycled Christmas Tree, Belen, at Municipal Facade na maghahatid ng saya, pag-asa, at pagmamahalan sa bawat Jalaleño, kasabay ng masasayang himig ng mga awiting pamasko.
Eto pa!Tampok ang 2ND JALAJALA CHRISTMAS BANCHETTO 2026! 🎅
Mula November 13, 2026 hanggang January 3, 2027, halina't tikman at tangkilikin ang mga ipinagmamalaking produkto ng ating bayan!
🍢 Masasarap na pagkain at meryenda
🥤 Nakakaginhawang mga inumin
👕 Damit, laruan, at iba't ibang produkto
🛍️ Suportahan ang mga lokal na negosyante at produktong gawang Jalajala!
⏰ Banchetto Operating Hours:
📌 Weekdays: 3:00 PM – 10:00 PM
📌 Weekends: 3:00 PM – 11:30 PM
Wait there's more!!!
LIBRENG INFLATABLE PARA SA MGA BATA!
Para sa mga batang edad 3 hanggang 10 taong gulang, may libreng inflatable na tiyak na magbibigay ng dagdag na saya sa kanilang pagbisita!
Ang lahat ng ito ay handog ng ating butihing Punong Bayan, Hon. Mayor Jarry V. Añago, para sa isang mas masaya, makulay, at makabuluhang Paskong Jalaleño. ❤️
♥️♥️
Kaya ano pa ang hinihintay ninyo? Tara na, mga Jalaleño! Kita-kits sa Jalajala Municipal Hall! 🎄✨
Tara at damhin ang init ng pagmamahalan, pagkakaisa, at tunay na diwa ng Kapaskuhan sa ating bayan!
BAGONG JALAJALA, BAGONG PAG-ASA, MAS MASAYANG PASKO!