Tambok Poultry Farm

Tambok Poultry Farm "Pagyamanin ang sariling atin sipag at tiyaga kasama ang ating LUMIKHA"

Good Day mga ka Farmers may nag tanong sakin “Bakit mahalaga ang proper feeding sa ating RTL chickens?  🐔🥚Bakit nga ba? ...
27/05/2026

Good Day mga ka Farmers may nag tanong sakin “Bakit mahalaga ang proper feeding sa ating RTL chickens? 🐔🥚

Bakit nga ba? Ito ang dahilan mga ka farmers

✔️ Mas magandang egg production
✔️ Mas malusog na alaga
✔️ Mas matibay laban sa sakit
✔️ Mas magandang kalidad ng itlog
✔️ Mas iwas stress at payat ng manok

Sa poultry farming, tamang pakain = mas magandang resulta 💪🥚

HAPPY FARMING 😁😁


19/04/2026

Unang itlog ng aming RTL layer chicken 🐔🥚😂
Ang liit pa… parang pang diet lang 😅

Pero okay lang, hindi naman lahat agad malaki—
kahit pangarap, nagsisimula rin sa maliit.

Sa ngayon, itlog muna na parang “tikim” 😆
Pero darating din ang panahon na mapupuno na ang tray araw-araw 💪🔥

From maliit na itlog… to malaking kita 💰
Tiwala lang, tuloy lang!

PAWER!!☝️☝️☝️☝️


17/04/2026

“Great things start from small beginnings… kahit maliit ang simula, basta tuloy-tuloy ang galaw, darating din ang panahong ikaw naman ang aangat. Sipag, tiyaga, at tiwala lang—panalo rin tayo" POWER ☝️☝️☝️☝️☝️


GOOD DAY MGA KA FARMERS !!Ngayong panahong tag init "HEAT STROKE" ang isang malaking kalaban na ating mga alaga tulungan...
15/04/2026

GOOD DAY MGA KA FARMERS !!

Ngayong panahong tag init "HEAT STROKE" ang isang malaking kalaban na ating mga alaga tulungan natin sila para maging malakas sa panahon ng tag init

1. Ayusin nang bentilasyon (Airflow)
2. Laging my handang malinis na tubig lagyan ng electrolytes or vitamin c
3.Tamang Density ng kulungan (Huwag Over crowded)


PROLAPSE  sa chicken layer ay kondisyon kung saan lumalabas (nakausli) ang parte ng puwitan o cloaca ng manok pagkatapos...
09/04/2026

PROLAPSE sa chicken layer ay kondisyon kung saan lumalabas (nakausli) ang parte ng puwitan o cloaca ng manok pagkatapos mangitlog. Parang may pulang laman na nakalabas—delikado ito kasi madaling ma-infect o matuka ng ibang manok.

Mga Dahilan

1. Masyadong maagang pangingitlog (hindi pa fully developed)
2. Malalaking Itlog (Hirap ilabas)
3. Over Feeding (sobrang taba)
4. Maagang pag papailaw (lighting program)
5. Kakulangan sa Calcuim at Nutrients
6. Genetics (mahinang lahit)

💡💡Prevention Tips !!

1.Tamang Lighting Program
2. Huwag patabain ang manok (balanced feeds)
3. Iwasan ang sobrang ilaw


MGA TIPS NA GAGAWIN PAG DATING NG RTL CHICKEN1. Wag muna pakainin at painumin ipahinga muna ang manok ng 1 least 1hr par...
09/04/2026

MGA TIPS NA GAGAWIN PAG DATING NG RTL CHICKEN

1. Wag muna pakainin at painumin ipahinga muna ang manok ng 1 least 1hr para ma relax sila at tsaka pakainin at painumin ng plane water or my halong electrolytes.

2. Pailawan sila magdamag para maka adopt sila sa bago nilang environment
Tapos wag na sila pailawan ( week 23 na ule ang sunod na pailaw para maiwasan ang early maturing / prolapse.

3.Antibiotics atleast 3days para makondisyon ang manok at maalis ang nakuha nilang mga mikrobyo sa biyahe.


GOOD DAY!! mga ka FARMER'S halina't samahan nyo kami sa aming journey Mula umpisa hanggang maging SUCCESSFULL ang aming ...
09/04/2026

GOOD DAY!! mga ka FARMER'S halina't samahan nyo kami sa aming journey
Mula umpisa hanggang maging SUCCESSFULL ang aming farm 😁😁

Start small muna kame pag aaralan namin kung paano tamang pag aalaga ng manok , Build Connection sa kapwa farmers and Mag build ng market para sa pag hahanda sa malaking production 😁😁


Address

Sitio Masikap Third District
Jalajala
1990

Opening Hours

Monday 9am - 5pm
Tuesday 9am - 5pm
Wednesday 9am - 5pm
Thursday 9am - 5pm
Friday 9am - 5pm
Saturday 9am - 5pm

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tambok Poultry Farm posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category