18/02/2025
PROTIPS - February 18, 2025
Your Dose of Daily Strength
By Maloi Malibiran-Salumbides
Pakiramdan mo ba'y palagi kang pagod? Kahit ilang long weekends pa ang magdaan, sa tuwing oras na ng pagpasok sa trabaho, palaging mababa ang energy mo? May mga umiinon ng iba't-ibang bitamina para lumakas ang kanilang katawan at resistensiya. May mga nag-eexercise naman at kumakain ng masustansiya para pataasin ang kanilang energy. Ang iba naman, sapat na tulog ang kailangan para palagi silang alerto at masigla. Ano nga ba ang susi ng masigla at malakas na pagtatrabaho at paggawa?
Magandang araw, ako si Maloi Malibiran-Salumbides para sa Protips, partner mo sa inspiradong trabaho at negosyong umaasenso.
Kung lakas at sigla sa araw-araw na trabaho ang hangad mo, may magandang paalala sa atin sa Isaiah 12:2, "God is my salvation, I will trust and not be afraid; For the LORD GOD is my strength and song". Hindi lang sigla sa paggawa ang pwedeng ibigay sa iyo ng Diyos, maging ang saya na hanap mo para maenjoy ang iyong trabaho ay matatagpuan mo rin sa Kanya. Get your daily dose of strength from the Lord, dahil kailanman ay hindi Siya mauubusan nito. Tatlong uri ng kalakasan ang maaari mong ipanalangin na ibigay sa iyo ng Diyos.
1) Physical strength. Ang sabi sa Isaiah 40:31, "Those who hope in the Lord will renew their strength. They will soar on wings like eagles; they will run and not grow weary, they will walk and not be faint." May physical exercises para sa strength and endurance. May akmang ehersisyo para sa pagpapalakas ng iba't-ibang bahagi ng ating katawan. Pero huwag na huwag nating kalilimutan na ang lakas na mayroon tayo ay biyayang mula sa Diyos.
2) Strength of mind. Kung lakas ng pag-iisip at karunungan naman ang kailangan mo para sa iyong trabaho at negosyo, sa Diyos din natin ito maaaring hingin. Naalala mo ba ng magulat ang maraming tao noon sa Israel dahil sa talino na namasdan nila buhat sa mga tagasunod ni Jesus. Ganito ang mababasa natin sa Acts 4:13, "When they saw the courage of Peter and John and realized that they were unschooled, ordinary men, they were astonished and they took note that these men had been with Jesus." Katalinuhan at karunungan ba ang kailangan mo? Mahalaga ang pag-aaral, pero hindi garantiya na dahil nag-aral ka sa magandang unibersidad ay marunong ka na. Diyos ang magbibigay sa iyo ng tunay na karunungan.
3) Strength of character. Marami ang may malakas na pangangatawan. Marami ang may taglay na karunungan. Pero kung wala naman tayong katatagan ng kalooban at karakter mabilis tayong matatangay sa mga tukso at kumpromiso sa trabaho at negosyo. We need a daily dose of strength of character. At ito ay maaari nating hingin sa Diyos. Ang sabi sa Galatians 5:22-23, "Galatians 5:22-23 – “But the fruit of the Spirit is love, joy, peace, patience, kindness, goodness, faithfulness, gentleness, self-control".
Gusto mo bang palagi kang energized sa trabaho at negosyo mo? Tandaan, you can always ask God for your daily dose of strength - physical strength, strength of mind and even strength of character.
BE A BLESSING IN THE WORKPLACE TODAY!