25/11/2025
Mula sa ilang taon ng pagsusumikap bilang kusinero sa isang carinderia, unti-unting binuo ni Jun ang pangarap niyang magkaroon ng sarili niyang kainan. ❤️
At ngayon, natupad na iyon. Sa bawat timpla, bawat sangkap, at bawat ulam—naroon ang puso at dedikasyon niya.
Si Kuya Jun ang puso at kamay sa likod ng Andrey’s Pata Kainan. Siya ang nagtitimpla, nagluluto, at nag-aalaga sa mga pagkain na paulit-ulit binabalikan ng kaniyang mga suki.
At syempre, ang kanyang specialty na “Pata”—parang balbacua ang linamnam at lambot, pero hindi ito balbacua. Sariling timpla. Sariling pagmamahal.
Matagal man siyang palipat-lipat ng pwesto, ngayon ay may matatag na siyang tahanan ng kanyang pagluluto sa Purok Diaz, Brgy. San Isidro, malapit sa LTO Regional Office.
At dito, hindi lang masarap ang pagkain—malinis, maliwaswas, at ramdam mo ang alagang parang bahay.
Kung hanap mo ay malinamnam na patahan at lutong-bahay na ulam na may kasamang kwento ng sipag at pangarap—siguradong magugustuhan mo rito.❤
📍 Check the map below para madali mo silang makita!
🍽️ Masarap, malinis, at sulit na pagkain—gawa at alaga ni Jun.