07/06/2026
๐๐ถ, ๐ฉ๐ฎ๐น๐๐ฎ๐ฏ๐น๐ฒ๐!
๐ ๐ฎ๐ด๐ฎ๐ป๐ฑ๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐น๐ถ๐๐ฎ!๐ฑ
Opisyal nang kinilala ng Department of Economy, Planning, and Development (DEPDev) ang Gulayan sa Bayan (GSB) Project at Sustainable Agro-Forestry Farm Enterprise (Project SAFE) ng Department of Agriculture - High Value Crops Development Program (DA-HVCDP) bilang bahagi ng 2026 National Priority Plan.
Patunay ito ng mahalagang papel ng mga programang nagtataguyod ng sapat at masustansyang pagkain, wastong nutrisyon, at modernisasyon ng agrikultura. Sa pamamagitan ng patuloy na suporta sa mga magsasaka at komunidad, mas mapalawak ang oportunidad para sa mas matatag na kabuhayan at mas ligtas na suplay ng pagkain para sa bawat Pilipino.
Ang ๐ก๐ฎ๐๐ถ๐ผ๐ป๐ฎ๐น ๐ฃ๐ฟ๐ถ๐ผ๐ฟ๐ถ๐๐ ๐ฃ๐น๐ฎ๐ป (๐ก๐ฃ๐ฃ) ay ang opisyal na talaan ng mga prayoridad na programa, proyekto, at aktibidad ng Pamahalaan ng Pilipinas na nakatuon sa mahahalagang sektor tulad ng agrikultura, edukasyon, kalusugan, kabataan, pabahay, agham at teknolohiya, kultura, at pag-unlad ng ekonomiya. Ito ay inilalathala taon-taon upang gabayan ang mga inisyatibong may malaking ambag sa pambansang kaunlaran.
Layunin nitong hikayatin ang mas malawak na pakikilahok ng pribadong sektor sa pagsuporta sa mga prayoridad na programa ng pamahalaan sa pamamagitan ng mga donasyon at iba pang anyo ng tulong at maaaring makinabang sa ๐ญ๐ฌ๐ฌ% ๐๐ฎ๐
๐ฑ๐ฒ๐ฑ๐๐ฐ๐๐ถ๐ฏ๐ถ๐น๐ถ๐๐ ng kanilang mga donasyon.
Tara na at sama-sama nating itaguyod ang makabagong agrikultura para sa masaganang bagong Pilipinas!