16/10/2025
REMINDERS TO OUR CUSTOMERS❗❗❗
PLEASE FOLLOW SOP DURING POWER INTERRUPTION!
STANDARD OPERATING PROCEDURE
KAPAG MAWAWALAN NG SUPLAY NG KURYENTE
• MAY ADVISORY
📍Gabi bago mawalan ng suplay ng kuryente, i-set sa MAXIMUM SETTINGS ang ating freezer upang makapag-buildup ng yelo sa gilid na makadadagdag suporta sa lamig sa paparating na power outage.
📍Sa pag-adjust ng temperature ng freezer, sa right-lower side ng freezer, nandoon ang switch.
Karamihan sa ating freezer, i-turn CLOCKWISE ang switch gamit ang FLAT SCREW, hanggang sa masagad ito.
📍Gumawa din ng 10-15 PIRASO NG YELO dahil gagamitin ito kinaumagahan.
📍Umaga, 1-2 hours bago mawala ang kuryente, i-ready na ang freezer.
📍Alisin ang trays or baskets ng ice cream.
📍Sa pinakailalim, ibuhos lahat ang ice cream.
📍Lagyan o patungan ito ng mga karton (flat).
📍Sunod na ilagay ang mga yelo. Maglagay lamang ng sapat na yelo na hindi maiipit ang mga ice cream.
📍Isunod na itakip ang magnetic cover.
📍Kung walang magnetic cover, pwede gumamit ng makapal na tela tulad ng tuwalya, kumot at iba pa.
📍Siguraduhing nababalot ng lamig ang ating mga ice cream.
📍Maari din maglagay ulit ng another layer ng karton, yelo at cover para mas malakas ang lamig.
📍Maari din gamitin ang trays or baskets (kung kasya pa) para lagyan ng mga yelo.
📍Pagkatapos ng setup, i-LOCK ang freezer.
📍Takpan at ilayo sa posibilidad na maarawan ang freezer.
At ‘WAG NA ‘WAG ito bubuksan para magbenta habang walang kuryente.
📍 Tandaan, kapag tumagas ang lamig at nahanginan ang loob ng freezer natin, matutunaw ang mga yelo at matutunaw ang mga ice cream.
📍Ang SOP na ito ay kayang umabot ng 16 hours o mahaba pa nang hindi nalulusaw ang mga ice cream.
📍Kapag bumalik ang kuryente, maghintay ng 30 minutes to 1 hour bago buksan ang freezer.