06/10/2026
💔"May lungkot man sa aking puso ngayon, ang mapasaya kayo ang aking pinakamagandang baon."
May lungkot man sa aking puso ngayon, ang mapasaya kayo ang aking pinakamagandang baon. Sa simpleng tulong na nagmula sa ating mga kamay, hindi ko akalaing magiging tulay ito para abutin kayo ng napakaraming tao na may mabubuting puso gamit ang social media. Kahit maliit lang ang aking naiambag, habambuhay kong dadalhin ang karanasan na makakita ng tunay na ngiti sa mga taong nawawalan na ng pag-asa.
Ang tanging mabigat lang sa dibdib ko ngayon ay ang katotohanang marami pa tayong hindi nabalikan dahil sa limitasyon ng ating kakayahan. Marami pa pong tao ang hindi ko nailagay dito sa video ngayon. Pero kapag nagkaroon muli ng pagkakataon at oras, ilalagay ko kayong lahat para may maganda tayong babalikan na mga alaala.
Umaasa ako na balang araw ay makakabawi at makakabalik tayo sa kanila para maghatid muli ng pag-asa.
Maraming, maraming salamat sa lahat ng naging kabahagi ng kwentong ito, sa mga nagtiwala at nagparamdam na hindi tayo nag-iisa.
Ramdam ko ang inyong pagmamahal, at iyon ang nagbibigay sa akin ng lakas sa kabila ng lahat ng lungkot. Walang kapantay ang ligaya na masaksihan ang inyong paggabay at pagkalinga.