Tahimik na Tinta

Tahimik na Tinta Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Tahimik na Tinta, Purok 4, Maonon, Ligao.

27/11/2025

Hindi sukatan ng halaga ang pagkakahiwalay. Minsan hindi kayo tinapos kasi mahina kayo — minsan tapos lang talaga ang chapter. At hindi na kayo bagay sa parehong pahina.

27/11/2025

Letting someone go is never simple. Kahit gaano ka pa ka-strong, may parte talaga sa’yo na kakabahan, masasaktan, at magdadalawang-isip. Kasi kapag minahal mo, totoo ‘yun. At kapag nawala, ramdam mo rin.

17/10/2025

Tahimik na Paalam
✍️: Cali

Hindi na ako maghahanap ng mga salitang magpapaintindi sa’yo ng lahat ng nararamdaman ko.
Ayos lang.
Dahil sa totoo lang, siguro hindi mo kailangang maintindihan.
Ang mahalaga, alam ko na — kung gaano ako naging totoo sa naramdaman ko.
Marahil hindi ko rin kailangang ipilit na manatili ka sa isip ko araw-araw.
Pahinga muna ang puso ko sa pag-asa, sa mga tanong, sa mga “baka sakali.”
Hindi ito galit, hindi rin ito pagsuko.
Ito lang ang tahimik na pagpili kong alagaan ang sarili ko —
ang bahagi kong napagod sa pag-abot, pero hindi nasalo.
Salamat pa rin — sa ngiti, sa inspirasyong hindi mo sinasadya,
sa mga alaala na minsan ay magaan, minsan ay mabigat.
Hinding-hindi ko ikakaila na naging totoo ang lahat para sa akin.
Ngayon, pipiliin kong bitawan nang may kabaitan.
Hindi dahil ayoko na, kundi dahil kailangan ko nang maging buo muli.
Paalam — hindi sa’yo, kundi sa sakit na dala ng pag-asa.

17/10/2025

A Quiet Pause
✍️: Cali

I’m stepping away for a while.
Not because I’m angry, or because I’ve given up,
but because I need to find my quiet again.
I’ve been carrying a kind of sadness — the kind that comes
from loving deeply and feeling unseen in return.
And that’s okay.
Love doesn’t always unfold the way we hope it will.
But I owe it to myself to rest,
to stop looking for worth through someone else’s eyes,
and to remember that I am enough —
even when no one is clapping, liking, or staying.
So this is me choosing peace,
choosing space,
choosing to come back home to myself.

"Walang Sumusunod"Lagi akong nauubusan ng hininga—sa kakaabot sa mga yapak nilang hindi ko naman sukat.Lagi kong pinipil...
12/08/2025

"Walang Sumusunod"

Lagi akong nauubusan ng hininga—
sa kakaabot sa mga yapak nilang hindi ko naman sukat.
Lagi kong pinipilit umakma sa bilis ng kanilang hakbang,
para lang maramdaman na hindi ako nahuhuli.

Tinitimbang ko ang bigat ng bawat "kamusta" na binibigay ko,
pero kailan ko ba tinanong ang sarili kung ayos pa ba ako?

May mga sulok sa loob ko na laging tahimik—
mga pirasong hindi nasusulyapan,
mga sugat na walang pangalan.
May mga umaga na buo ang ngiti ko sa labas
pero basag-basag ang sarili ko sa loob.

Nakakatawa—
ako ang palaging nag-aabot ng kamay,
ako ang una nilang tatawagin kapag may kailangan silang iligtas.
Pero kapag ako na ang nalulunod,
tahimik lang ang paligid.

At doon ko lang maiisip,
marahil…
walang sumusunod.

✍️: Cali

Ang Di Tinapos na PanaloSinulat ko ang bawat salita na parang panalangin.Bawat tuldok, may dahilan.Bawat pahina, may pak...
06/08/2025

Ang Di Tinapos na Panalo

Sinulat ko ang bawat salita na parang panalangin.
Bawat tuldok, may dahilan.
Bawat pahina, may pakiusap.

Hindi ko isinulat para manalo —
pero alam kong kaya.
Kaya sana.

PS: TBC

✍🏻: Cali

"Bilang at Bilad"Sa tabing-dagat, may nagbibilad ng tuyo.Isa-isa. Dahan-dahan. Parang may dasal sa bawat patong.Ako nama...
06/08/2025

"Bilang at Bilad"

Sa tabing-dagat, may nagbibilad ng tuyo.
Isa-isa. Dahan-dahan. Parang may dasal sa bawat patong.

Ako naman, nagbibilang ng tahimik.
Tahimik na araw, tahimik na sagot, tahimik na mga tanong.
Yung di sumisigaw, pero mabigat sa loob.
Yung parang tuyo — tinuyo ng panahon, ininit ng araw,
pero nanatiling buo.

Hindi lahat ng kwento sinasabi.
May mga istoryang inuugma lang sa init at hangin.
At sa asin ng dagat.

✍🏻: Cali

Address

Purok 4, Maonon
Ligao
4504

Telephone

+639633572663

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tahimik na Tinta posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Business

Send a message to Tahimik na Tinta:

Share