24/06/2026
Pinangunahan ng Board of Directors at Education and Membership Committee ng PGEMPCOP kamakailan ang isang makabuluhang pakikipagpulong kay BM Rosalina Apaga, Chairperson ng Committee on Cooperative, MSME and Entrepreneurship Development upang talakayin ang mga programang makatutulong sa pagpapalawak ng kasapian at higit pang pagpapalakas ng kooperatiba.
Bilang kapwa miyembro at lingkod-bayan, patuloy na nagsisilbing inspirasyon si BM Apaga sa pagsusulong ng mga adhikaing mapabuti ang kalagayan ng mga miyembro at mapatatag ang kooperatiba.
Sa pamamagitan ng sama-samang pagkilos at pagtutulungan, nananatiling matatag ang hangarin ng PGEMPCOP na makapaghatid ng mahusay na serbisyo at mas maraming oportunidad para sa kapakinabangan ng bawat miyembro.