Kabute Ni Bagan

Kabute Ni Bagan We grow oyster mushrooms and process them into mushroom foodies!

28/07/2026

Mushroom food for thought ni Ka Bagan and pemely πŸ˜πŸ„

Nakakataba ng puso na habang kumakain ang customers mo ay sinasabi nilang "Aba, masarap nga Kuya ah. Isa pa nga po!" Ang mga ganitong feedback ang nagpapagana lalo sa amin na magpursigi. Hindi sa pagbubuhat ng bangko, so far ay wala pa naman kaming natatanggap na negative comments mula sa aming mga parokyano. Pero eto ang madalas na feedback ng aming mga Ka-Kabute:

"Wow! Ang dami ng servings nyo!' Sabay biro namin ng, "ah marami po ba? Sige po, bawasan natin." 🀣

"Sure ka Kuya, P70 lang tong mushroom sisig with rice nyo? Sulit na sulit ah!"

"Ha?! P10 lang tong ice candy?! Ang haba! Yung ice candy sa min kalahati lang nito ang P10 eh."

"Dapat nyong itaas na ang presyo nyo kasi yung quality ng mushroom foodies nyo ay hindi naman mumurahin."

"Grabe, busog na busog kami! Pero eto lang babayaran namin?! Sulit sa sarap at dami eh."

Opo, yung ibang customers na namin ang nagsasabing itaas namin ang presyo namin. 😁 Sa tunay na buhay ay hindi pa talaga kami halos nagtataas ng prices ng mushroom foodies namin since 2018. Hindi rin namin binabawasan ang quantity at lalong ayaw naming isacrifice ang quality. Same quality ingredients ang gamit namin. Sa packaging kami nag cut ng cost. Yung dating makapal at fancy paper cups, paper plates na may design, at microwaveable containers na may iba't ibang pang kulay, out na ang mga yan. Tama na ang supot, silver paper plates at ordinary containers. Itatapon din naman ng customers after nila kumain, di ga? Heheheh... Ang mahalaga ay ang lasa na babalik-balikan ng tao, at ang servings na hindi bitin. Yung tipong masasabi mo talagang sulit.

Bilang mga mahilig din kaming kumain, syempre napakarami na rin naming restaurant, karinderia, turo-turo, online food orders, street foods, etc. na nakainan. Food explorers kasi kami. Heheheh... But unfortunately, marami kaming natry na hindi kami satisfied. Just recently, as in today, nagcrave kami sa isang type ng food kaya umorder kami online. Hindi na namin sasabihin kung anong food at kung saan. Heheheh... After dumating ang food and matikman namin, eto na lang ang nasabi ni Ka Bagan and pemely.... "Titikman pero hindi babalikan". Eto ang ayaw naming maramdaman ng customers namin. Gusto namin kung busog kami, busog din sila. Kung cravings satisfied kami, dapat satisfied din ang palate nila. Kung feeling namin ay sapat ang bayad namin sa kinain namin, dapat hindi masakit sa bulsa ng customers namin ang pagbabayad sa paninda namin. Happy dapat sila after their mushroom foodies experience.

Ang KABUTE NI BAGAN ay hindi lang isang micro-business para sa amin. This is our passion. This is our family-bonding tool. Opo, maliit ang kita, pero masaya. Maraming naaamaze sa aming mushrooms foodies kaya maraming napapasaya bukod sa nabubusog. Kung kaya't binabaik balikan ng mga parokyano naming mga Ka-Kabute. SALAMAT PO! πŸ₯°πŸ„

Ay sya, tama na. Napapahaba na are. Ahahahahah! Hanggang sa muli!!! And yes, nakapwesto po today si Ka Bagan sa Talisay ByPass Road. 😁

πŸ„πŸ₯°πŸ„πŸ₯°πŸ„πŸ₯°

Maulang araw mga Ka-Kabute! Tuloy ang bange! Talisay ByPass Road, here I come! πŸ„πŸ˜πŸ„πŸ˜πŸ„πŸ˜πŸ„
23/07/2026

Maulang araw mga Ka-Kabute! Tuloy ang bange! Talisay ByPass Road, here I come!
πŸ„πŸ˜πŸ„πŸ˜πŸ„πŸ˜πŸ„

09/07/2026

πŸ„πŸ„πŸ„
Go and multiply! i-manifest natin yan! πŸ˜πŸ„πŸ˜πŸ„πŸ˜πŸ„

21/06/2026


Talisay ByPass Road ajahan! πŸ˜†πŸ„
HAPPY FATHERS' DAY TO ALL!!

20/06/2026

Come one, come all!!! Kabute Ni Bagan is at Lipa City Plaza Independencia (in front of Cultural Center of Lipa). Come visit us here, until midnight only. Taralets!!! πŸ„πŸ„πŸ„

Ahoy, mga Ka-Kabute! Kitakits bukas (June 20, 2026) sa Plaza Independencia (harap ng Lipa Cathedral). πŸ„πŸ›πŸ₯°    Credits to ...
19/06/2026

Ahoy, mga Ka-Kabute! Kitakits bukas (June 20, 2026) sa Plaza Independencia (harap ng Lipa Cathedral). πŸ„πŸ›πŸ₯°



Credits to Carlos Reola of Ala Eh Lipa for this design. Thank you!

19/06/2026

Humihingi po kami ng paumanhin sa mga....
..naubusan ng mushroom ice candy dahil wala pang tanghali ay na sold out na agad...naghahanap pa ng crispy fried mushrooms pero wala kaming maibigay dahil na sold out na...sinubukang humabol, pero nabigo, para makabili ng mushroom sisig, sold out na ih...sobrang nabusog at nasira ang diet dahil hindi mapgilang lantakan ang Kabute Ni Bagan

Sorry na. πŸ„πŸ₯°πŸ˜†πŸ„

16/06/2026

Yown! Sold out sya uli! Thank you, Lord! Thank you, mga Ka-Kabute! Bukas uli at sa isang araw, kitakits!
πŸ„πŸ˜πŸ„πŸ˜πŸ„

SOLD OUT!!! THANK YOU, LORD!!!πŸ„πŸ˜˜πŸ„πŸ˜˜πŸ„πŸ˜˜πŸ„
15/06/2026

SOLD OUT!!! THANK YOU, LORD!!!

πŸ„πŸ˜˜πŸ„πŸ˜˜πŸ„πŸ˜˜πŸ„

15/06/2026

ATM
Kabute Ni Bagan is at Lipa City Food Security Trade Fair - New Lipa City Hall Lobby - Bulacnin, Lipa City. Sinsay na mga Ka-Kabute! πŸ„πŸ„πŸ„

Address

Block 5 Lot 22 Monteflora Homes, P. Laygo Street , Brgy. Sabang
Lipa City
4217

Opening Hours

Monday 8am - 9pm
Tuesday 8am - 9pm
Wednesday 8am - 9pm
Thursday 8am - 9pm
Friday 8am - 9pm
Saturday 8am - 9pm
Sunday 8am - 9pm

Telephone

+639208929490

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Kabute Ni Bagan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share

Category