26/06/2026
Sa lahat po ng sumusuporta, bumabalik, nag-oorder, nagre-recommend, at patuloy na nagtitiwala sa Sinilihan ni Ka Juliet — maraming maraming salamat po mula sa puso namin. ❤️
Hindi po magiging posible ang lahat ng ito kung wala kayo. Sa bawat order ninyo, sa bawat pagbisita, at sa bawat simpleng pag-share at pag-mention sa amin, malaking tulong at saya po ang naibibigay ninyo sa aming maliit na negosyo. Sobrang na-aappreciate po namin kayong lahat, lalo na ang mga suki naming patuloy na sumasama sa paglaki ng Sinilihan. 🫶
At dahil sa suporta ninyo, mas lalo kaming ginanahan na mas mapalapit pa sa inyo. Inaanyayahan po namin kayong dumalaw sa aming bagong branch sa Lipa Commercial Food Court, tapat ng Newstar. Sana po ay mapasyalan ninyo kami at makasama namin kayo roon. ✨
Mula po sa aming pamilya, maraming salamat sa tiwala at suporta. Kita-kits po sa bago naming branch! ❤️🔥
⏰ 7am-5pm
📆 June 28 (Sunday)
📍Lipa Commercial Center Foor Court (in front of Newstar and Southern Twin) E. Mayo St., Corner A. Mabini St., Barangay Poblacion, Lipa City, Batangas