04/10/2024
Important announcement
Ito po ang tinatawag na Pastil (sa wikang Maguindanao or Iranon) at Patir (naman sa wikang Maranao) na originated from The Moro in Mindanao (the Muslim tribes). Ito ay kanin na nakabalot sa dahon ng saging na mayroong toppings na hinimay na chicken, beef or tuna kaya naman makakasiguro po ang bawat isa na ito po ay masarap, malinis at halal.
Kaya wala pong pastil o patir na may toppings na karneng baboy (this is cultural insensitivity!) pang-iinsulto, pangbabastos at pambababoy) sa Moro Muslim cultures.
Ang Pastil at Patir po kasi ay nakatatak na sa tao na ito ay halal talaga, dahil bilang mga muslim ay maingat kami po sa pagkain na aming kinakain ayon lamang sa ipinahintulot ng Diyos (Allâh), sa kadahilanan ito ay may kinalaman din sa pagsamba at iniiwasan naming kainin ang mga pagkaing ipinagbabawal. Naniniwala kami na lahat ng ipinahintulot ng Allâh ay nakabubuti at ang lahat ng ipinagabawal ng Allâh ay makakasama sa kalusugan ng Kanyang mga nilikha.
Palala sa mga kapatirang Muslim maging maingat po tayo sa mga bnibili nating pagkain hindi porket pastil or patir yan ay halal na specially kung non-Muslims ang nagtitinda, dahil may mga tao talaga walang magawa sa buhay kundi manglason sa kapwa (may kinikimkim na galit, inggit at personal interest) upang suportahan lang ang kanyang nais. Gabayan nawa sila ng Allâh!
____________________
🔎 (FaceBook | X | Instagram | YouTube | SnapChat | Google)