11/09/2025
FOR AWARENESS
Ang amin pong tindahan ay nilooban kaninang madaling araw (September 11, 2025 1:48 - 3:01 AM). Isang lalaking naka facemask at nakatalukbong ang ulo ang nanloob at nakakuha ng pera at maliit na bluetooth speaker. Ito po ay dumaan sa likurang bahagi ng tindahan kung saan sinira nito ang bintana at door k**b. Ito po ay naipagbigay alam na sa barangay. Walang malinaw na kuha sa mukha ng magnanakaw ngunit kung mayroon mang maaaring makakilala rito, mangyari po sana na ipagbigay alam ito sa barangay upang maiwasan na ang mga ganitong pangyayari. Maging maingat po sana ang lahat.