01/10/2025
Karamihan ang lahat sa atin ay nakakulong pa din sa multo ng kahapon. Patuloy pa din na umaalingawngaw sa ating isip ang mga nakaraang pagkabigo, maling nagawa at mga pangarap na hindi naisakatuparan.
Nakapiit ka pa din sa selda ng sama ng loob, matinding galit at hindi pagpapatawad.
Alam mo na na sa sitwasyong ito ay IKAW MISMO ang pumili na ikulong ang iyong sarili sa mga hindi magandang pakiramdam at negatibong pag-iisip?
At alam mo din ba na nasa iyo din ang SUSI nang sa gayun ay makalabas ka sa rehas ng iyong pagkakakulong.
Tandaan:
"KUNG PAPAANO MO TINITIGNAN ANG MUNDO AY SIYA DIN ANG REPLEKSYON NA IHAHATID NITO SA IYO!"
Maiksi lang ang buhay. Huwag mong pagtuunan ang galit at hinanakit mo sa iyong kapwa. Maiksi lamang ang oras mo sa mundo at huwag mong lunurin ang iyong sarili sa maling nagawa ng iba.
BAGO KA MAGING RESPONSABLE SA IYONG KAPWA AT RESPONSABLE KA MUNA SA IYONG SARILI.
Marahil ay may pinagdadaanan sila, ikaw din naman di ba?
FOCUS ON THE GOOD THINGS. Bilangin mo ang mga BLESSINGS mo sa buhay: ang iyong mga anak, ang magandang kalusugan at pang araw-araw na Kaligtasan ng iyong pamilya at marami pang iba.
May problema ka? Pagdaanan mo lang, huwag mong tambayan.
MAGPAKUMBABA at IDULOG sa DIYOS ang mga PROBLEMA at PIGHATI.
Umasa ka na sa kabila ng mga nangyayari sa iyo ngayun ay HINUHULMA ka UPANG MAGING MAS MATIBAY, MAS MATURE and TO BE THE BEST VERSION OF YOU!
YES, IT COULD BE A BAD DAY BUT STILL IT IS A GOOD LIFE!
Pagpalain tayong lahat!
https://www.facebook.com/Dyaketv