19/09/2021
HAPPY FIRST MONTH SHANGHAI NI NANAY! π₯³π
SHARING IS CARING π
Share lang namin yung mga naggagandahan at mga tumatagos sa mask na smile ng ating mga magigiting na riders β¨ Saludo kami sa mga sakripisyo ninyo bilang courier.
Hindi po biro ang mga pinagdadaanan nila, kaya kung sakaling matagalan man sila sa pagpunta sa inyong bahay, huwag naman sana natin silang sungitan bagkus ay intindihin nalang natin sila dahil hindi natin alam kung ano ang mga pinagdaanan at tinahak nila. May ilan pa d'yan na natagalan dahil naligaw, naulanan, nainitan, nasiraan, naflatan ng gulong at iba pa. Kaya bilang pasasalamat namin sa ating mga magigiting na riders, binigyan namin sila ng aming produkto na may pabaon na "mag-iingat po kayo palagi kuya/tay" π.
Actually, hindi sana namin ipopost 'to. Ipapadevelop ko sana yung mga pics nila tapos ididikit sa wall ng future store namin π€π½βπ½. Then sabi ng isang rider mas okay raw na ipost ko, baka raw maraming mainspired at mabawasan ang mga nagsusungit sa riders kapag nalelate π¬ so ayun pinost namin ito just to inspire you and para ishare yung beautiful smiles nila kahit na nakamask sila, kitang kita naman sa mga naggagandahan nilang mga mata hahaha.
Ang sarap lang sa pakiramdam na napasaya mo sila at yung pamilya nila dahil sa simpleng paraan mo ng pagbibigay. Grabe yung smiles at pasasalamat nilaaaa. Nakakatunaw ng puso π₯². Yung tipong sabi ko sa rider "ito po yung idedeliver tapos ito po yung sa inyo, pasasalamat po namin sa inyong mga riders, mag-iingat po kayo palagi" tas sabi niya na may kasamang nakakalokong ngiti "wow!! Sanaol po" hahaha natawa nalang din ako kay kuya eh.
"When God blesses you financially, don't raise your standard of living. Raise your standard of giving".
Thank you Lord for these wonderful blessings.
Muli, maraming salamat sa mga walang sawang sumusuporta at tumatangkilik sa aming mga masasarap na produkto ππ
HAPPY SUNDAY EVERYONE β¨