04/08/2026
Ito ang pinagkakaabalahan ko lately. I am selling banana cake again. At first kasi I wanted to earn extra. But as orders come in and sweet reactions & good reviews are received from the customers, the motivation is no longer about the earnings alone. But also the fulfillment knowing that the customers are happy and satisfied. Mas sisipagin kang gumawa ng produkto e.
I started baking banana cake in 2012. I am using the same recipe, may improvement nalang ngayon. This is because for my love of banana cake e. Banana cake is one of my favorites- lagi Akong bumibili sa mga bakery or bakeshops. Tapos ito ung nakakakuha ng atensyon ko lagi kasi nga favorite ko. I remember nung 2012, wala kong matikmang masarap kaya kako magbake nalang ako. May naipon ako konti, ibinilin ko ng oven at ibang mga gamit for baking tapos ingredients. Hanggang sa naging negosyo ko na.
Paputol putol Yung pagbebenta ko. Parang 2012-2014, naulit nung Pandemic 2020 few months lang, tapos bumalik Nung Sept - Dec 2023 for a cause naman yung to help for a cancer patient. Tapos binalik ko ngayong 2026. Nakakalibang din kasi, so instead na magdwell sa anxiety, idivert ang atensyon sa ibang bagay. Kumikita pa. 😂
Now, aside from the usual tub, may sliced version na din and soon Choco banana muffins. Magkakaroon din nga iba pang variant ang muffins. Soon... 😉
I thank God for everything. Thank you din sa mga resellers and customers. 💜