24/07/2026
📢 Mga ka-suki, paumanhin po sa inyong lahat.
Dahil po sa scheduled power interruption, SARADO po ang JOLAN'S bukas.
Gagamitin na rin po namin ang araw na ito upang maglinis, mag-ayos, at magpaganda ng aming pwesto para mas maging komportable at mas maganda ang inyong susunod na pagbisita.
✨ Magbabalik po kami sa Lunes, handang ihain muli ang inyong mga paboritong lugaw, mami, pares, chaofan, at lutong ulam.
Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at walang sawang suporta sa JOLAN'S. God bless po sa inyong lahat! 💛🙏