06/08/2026
Ngayong Farmworker Appreciation Day, kinikilala ng National Dairy Authority (NDA) ang sipag, dedikasyon, at mahalagang ambag ng ating mga farmworker sa pagpapaunlad ng lokal na dairy industry at ng sektor ng agrikultura.
Sila ang mga katuwang sa araw-araw na pag-aalaga ng ating mga dairy animals, paggawa ng dekalidad na gatas, at pagpapanatili ng tuloy-tuloy na suplay ng pagkain para sa bawat pamilyang Pilipino.
Sa araw na ito, taos-pusong pasasalamat at pagpupugay ang hatid ng NDA sa lahat ng ating farmworker. Ang inyong sipag at malasakit ang nagsisilbing pundasyon ng isang mas matatag na dairy industry at mas masaganang Bagong Pilipinas.
Happy Farmworker Appreciation Day! 🤍🥛