18/01/2026
𝐏𝐀𝐍𝐀𝐋𝐀𝐍𝐆𝐈𝐍 𝐒𝐀 𝐌𝐀𝐇𝐀𝐋 𝐍𝐀 𝐏𝐎𝐎𝐍𝐆 𝐒𝐀𝐍𝐓𝐎 𝐍𝐈𝐍𝐎 𝐃𝐄 𝐏𝐀𝐍𝐃𝐀𝐂𝐀𝐍
O Banal na Sanggol, Diyos na makapangyarihan at bukal ng mga biyaya, ako ay naninikluhod sa lyong harapan. Buong puso akong sumasamba, sumasampalataya at nagmamahal. Lubos akong nagsisisi sa aking mga kasalanan. Inaalay ko sa lyo ang aking sarili.
Itulot Mo na ako ay matulad sa lyong mga kabanalan; gawin Mo akong maamo, mababang-loob, matiisin, malinis, maunawain sa kapwa at masunurin sa kalooban Mo.
O Jesus, Ikaw ang nagsabi na anuman ang aming hingin sa Ama sa ngalan Mo ay ipagkakaloob sa amin. Buong pagsusumamo na hinihiling ko sa Ama sa Kabanal-banalan Mong pangalan at sa pamamagitan ni Santa Mariang Birhen na ipagkaloob sa akin ang biyayang ito
(Ipahayag sa Mahal na Poong Santo Niño de Pandacan ang biyayang gustong hingin)
O mapagpalang Santo Niño, dinggin Mo at ipagkaloob ang aking kahilingan.
O Jesus, Ikaw ang nagsabi, "Lumapit kayo sa akin, kayong mga napapagal at nabibigatan at kayo'y aking pagiginhawain". Buong pananalig akong lumalapit sa lyo, at sa pamamagitan ni Santa Mariang Birhen ay isinasamo kong ipagkaloob Mo sa akin ang biyayang ito
(Ipahayag ang kahilingan)
O mapagpalang Santo Niño, dinggin Mo at ipagkaloob ang aking kahilingan.
O Jesus na isinilang sa gitna ng karalitaan ngunit nagtaglay ng pangalang higit sa lahat ng pangalan. Maging tagapagligtas Ka sana ng mga nagdaralita at iligtas Mo kami sa aming kagipitang pangkabuhayan.
O mapagpalang Santo Niño, dinggin Mo at ipagkaloob ang aking kahilingan.
O Emmanuel, na ang ibig sabihin ay "ang Diyos ay sumasaatin", sumaamin Ka nawang lagi at ipagtanggol Mo kami sa lahat ng panganib ng kaluluwa at katawan.
O mapagpalang Santo Niño, dinggin Mo at ipagkaloob ang aking kahilingan.
O Jesus na sa bisa ng lyong pangalan, ang maraming tao ay nalunasan sa kanilang mga karamdaman, maawa Ka sa mga maysakit at pagkalooban Mo sila ng lunas ng kaluluwa at katawan.
(Humingi ng awa para sa sarili at para sa iba na nais tulungan)
O mapagpalang Santo Niño, dinggin Mo at ipagkaloob ang aking kahilingan.
(Magdasal ng Ama Namin, Aba Ginoong Maria at Luwalhati)
𝐕𝐈𝐕𝐀 𝐒𝐀𝐍𝐓𝐎 𝐍𝐈𝐍𝐎 𝐃𝐄 𝐏𝐀𝐍𝐃𝐀𝐂𝐀𝐍!