21/09/2026
๐ฆ๐ฎ๐ฟ๐๐ฎ ๐ฎ๐ ๐ฆ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ ๐ฃ๐ฎ ๐๐ฎ๐ป๐ด, ๐จ๐น๐ฎ๐บ ๐ก๐ฎ! ๐๐ฎ๐ป๐ถ๐๐ผ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ฟ๐ฒ๐ ๐๐ผ๐บ๐ฏ๐ผ ๐ ๐ฒ๐ฎ๐น ๐ฎ๐ป๐ด ๐จ๐๐ฏ๐ผ๐ ๐ป๐ด ๐๐ฎ๐ป๐ถ๐ป ๐ ๐ผ
Malambot na pares na baka na niluto sa malinamnam, malapot at bahagyang matamis-alat na sarsa, saka inihain kasama ng mainit at malambot na sinangag. Isang masarap at nakakabusog na ulam na bagay sa buong pamilya!
๐ ๐ด๐ฎ ๐ฆ๐ฎ๐น๐ฎ๐บ๐ถ๐ป:
1 kilo beef kalitiran, hiniwa
1.2 kilo beef camto, hiniwa
1 ulo bawang, tinadtad
2 piraso sibuyas, tinadtad
4 kutsara toyo
5 kutsara oyster sauce
5 kutsara light brown sugar
2 piraso star anise
1 kutsarita asin
ยฝ kutsarita giniling na paminta
Tubig, sapat para lubog ang karne
4 kutsara gawgaw
4 kutsara tubig para sa slurry
Tinadtad na dahon ng sibuyas
Malutong na sili at bawang
Para sa sinangag:
2 tasa kanin
4 piraso bawang, tinadtad
Kaunting margarina o mantikilya
Kaunting asin
๐ฃ๐ฎ๐ด๐ต๐ฎ๐ต๐ฎ๐ป๐ฑ๐ฎ ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐ฟ๐ฒ๐:
Painitin ang kawali at maglagay ng kaunting mantika. Igisa ang bawang at sibuyas hanggang maging mabango at bahagyang lumambot.
Idagdag ang beef kalitiran at camto. Haluing mabuti at lutuin hanggang bahagyang magkulay ang karne.
Idagdag ang toyo, oyster sauce, brown sugar, star anise, asin at giniling na paminta. Haluing mabuti upang mabalutan ng timpla ang karne.
Ibuhos ang sapat na tubig para halos lubog ang karne. Takpan at pakuluan sa mahinang apoy hanggang lumambot nang husto ang baka.
Kapag malambot na ang karne, alisin ang takip at hayaang kumulo hanggang bahagyang mabawasan at lumapot ang sarsa.
Paghaluin ang gawgaw at tubig. Dahan-dahang ibuhos ang timpla habang patuloy na hinahalo hanggang maging malapot, makintab at malinamnam ang sarsa.
Budburan ng tinadtad na dahon ng sibuyas at malutong na sili at bawang bago ihain.
๐ฃ๐ฎ๐ด๐ต๐ฎ๐ต๐ฎ๐ป๐ฑ๐ฎ ๐ป๐ด ๐ฆ๐ถ๐ป๐ฎ๐ป๐ด๐ฎ๐ด:
Painitin ang kawali at tunawin ang kaunting margarina o mantikilya. Igisa ang tinadtad na bawang hanggang maging mabango.
Idagdag ang kanin at haluing mabuti upang pantay na mabalutan ng bawang at mantikilya. Timplahan ng kaunting asin at lutuin hanggang mainit at mabango.
๐ฃ๐ฎ๐ด๐ต๐ฎ๐ต๐ฎ๐ถ๐ป:
Ihain ang malambot na pares na baka kasama ng mainit na sinangag. Ibuhos ang masaganang sarsa sa ibabaw at dagdagan ng malutong na sili, bawang at dahon ng sibuyas. Talagang mapapa-extra rice sa sarap!
Nadia Awais Kitchen โค๏ธโค๏ธ